Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang mga Sikat na Celebrity Couples na ito sa Showbiz na mas Piniling Magpakasal ng Palihim

Tila isang bukas na libro sa publiko ang buhay ng mga sikat na celebrities sa showbiz, kung saan ay madalas nga nilang ibahagi ang masasayang kaganapan sa kanilang buhay.

Ang ilan nga sa mga sikat na celebrities ay proud na ibinabahagi ang kanilang personal na buhay, kabilang na nga rito ang relasyon nila sa taong iniibig. Ngunit, may ilan naman na mas piniling maging pribado ang kanilang personal na buhay sa kabila ng tinatamasang kasikatan sa industriya.

Dahil nga dito, ang ilan sa mga celebrity couples sa showbiz, ay nagpasyang magpakasal ng palihim sa publiko. Ating kilalanin ang mga sikat na celebrity couples na nagpakasal ng palihim.

1. Alice Dixson

Photo credits: google.com

Noong Juky 2018, nang ibunyag ni Alice Dixson na siya’y ikinasal muli. Ito nga ay matapos ibahagi ng Crimson Resort and Spa Boracay, kung bakit sa isla ng Boracay nagdiwang ng kanyang birthday ang aktres. 2013 nang makipag-divorce si Alice sa kanyang dating asawa na si Ronnie Miranda matapos ang 13 taong pagsasama.

Photo credits: google.com

2. Solenn Heussaff and Nico Bolzico

Matatandaan na napabalita noong December 2015, ang umano’y secret wedding nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico. Silang dalawa ay ikinasal sa hometown ni Nico sa Esperanza, Argentina sa pamamagitan ng isang simple at pribadong seremonya.

Photo credits: google.com

Ngunit, ang bagay na ito ay mariing itinanggi ni Solenn at sinabi na ‘celebration of union’ lamang ang naganap, kung saan ay binisita lamang nila ang pamilya ni Nico. Ikinasal naman sila sa Brittany France noong Mayo nang sumunod na taon.

3. Robin Padilla and Mariel Rodriguez

Isang buwan na ang nakalipas nang aminin ni Robin Padilla sa isang interview na ikinasal na sila ni Mariel Rodriguez. Nabunyag nga sa publiko na noong August 19, 2010 pa pala sila ikinasal sa Taj Mahal sa Agra, India.

Photo credits: google.com

Naging usap-usapan rin noong September 2010, na muling ikinasal sina Robin at Mariel sa ilalim ng Ibaloi rites. Ngunit, mariin itong itinatanggi ng dalawa, at ipinaliwanag na dahil nga may dugong Ibaloi si Robin, ay nais lamang umano niyang iparanas sa kanyang asawa ang kanilang kultura.

4. Ryan Agocillo at Judy Ann Santos

Isang pribadong seremonya ng kasal na nasaksihan lamang ng kanilang mga kaibigan at pamilya ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, ang naganap na noong April 28, 2009 sa Batangas.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Kinabukasan na nalaman ng publiko na ikinasal na pala sila matapos lumabas ang ilang ulat. Ang kanilang pagsasama ay biniyayaan ng tatlong anak, sina Yohan, Lucho, at Luna. Naganap naman ang kanilang renew of vows sa Batangas, matapos ang pitong taong masayang pagsasama bilang mag-asawa.

5. Alex Gonzaga and Mikee Morada

Isa sa inabangang kasalan sa showbiz, ay ang kasal nina Alex Gonzaga at Mikee Morada. Ngunit, naging pribado ang seremonya ng kanilang kasal na dinaluhan lamang ng kanilang mga mahal sa buhay.

Photo credits: google.com

Noong November 2020, nang ikasal ang dalawa sa Lipa City, Batangas kung saan konsehal si Mikee. Ngunit noong January 17, 2021 na nang isapubliko ni Alex na isa na siyang ganap na Mrs. Morada sa pamamagitan ng kanyang vlog.

6. KZ Tandingan and TJ Monterde

Marami rin ang nagulat nang ilabas nina KZ at TJ ang isang music video para sa kantang, “Can’t Wait To Say I Do. Nasabing music video kasi ay kinumpirma ng dalawa na sila’y kasal na.

Photo credits: google.com

Ito nga ay dalawang buwan matapos maganap ang kanilang intimate garden ceremony sa The Farm San Benito, Batangas noong Agosto 2020.

7. Megan Young and Mikael Daez

Dalawang beses ikinasal ang mag-asawang sina Megan Young at Mikael Daez na huli nang malaman ng publiko.

Photo credits: google.com

Unang naganap noong January 15, 2020 ang kanilang secret wedding ceremony sa Batangas. At matapos lamang ang 10 araw, ay nagkaroon na sila ng public wedding ceremony na ginanap naman sa Subic kung saan nasaksihan ng kanilang mga kaibigan sa showbiz at ng kanilang pamilya.

error: Content is protected !!