Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang mga Sikat na Celebrity Couple na ito na Ikinasal Noong Taon 2020

Hindi naging madali ang pinagdaanan ng bawat isa sa atin noong nakaraang taong 2020. Ang pagsubok nga na hatid ng pandemya at mga sakuna, ay talagang nagbigay sa atin ng matinding hirap at kalungkutan. Ngunit sa kabila nito, ay may maganda pa rin namang nangyari katulad na lamang nga ng mga celebrity couple na pinagbuklod ang mga puso sa kanilang pag-iisang dibdib at nangako na magsasama sa hirap at ginhawa habangbuhay.




Isa –isa nating kilalanin ang mga sikat na celebrity couple na ikinasal noong taong 2020.

1. Megan Young and Mikael Daez

Hindi lamang isang beses kundi dalawang beses ikinasal ang celebrity couple na sina Miss World 2013 Megan Young at aktor na si Mikael Daez. Sa pagsalubong nga ng taong 2020, ay pinatunayan ng celebrity couple ang tamis ng kanilang pag-iibigan. Unang ikinasal sina Megan at Mikael noong Enero 10,2020 sa isang intimate ceremony sa ginanap sa Nsugbu,Batangas na dinaluhan ng 10 katao na kanilang mga mahal sa buhay. Samantala, nasundan naman ang kanilang pag-iisang dibdib noong Enero 25,2020 na ginanap naman sa Subic. At sa pagkakataong ito, ay marami na sa kanilang mga kaibigan at mga mahal sa buhay ang dumalo at nasaksihan ang kanilang sumpaan. Sina Megan at Mikael ay siyam na taong magkasintahan bago sila ikasal.

2. Joyce Pring and Juancho Trivino

Ang TV host namang si Joyce Pring at actor na si Juancho Trivino ay ikinasal noong Pebrero 9,2020 sa pamamagitan ng isang garden wedding na ginanap sa Sofitel Plaza Manila.

3. Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli

Ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo at aktor na si Matteo Guidicelli ay na-engaged noong November 2019. Ngunit sa pagsapit ng taong 2020, ay ginulat ng dalawa ang publiko sa kanilang private civil wedding na ginanap noong Pebrero 20,2020. Matatandaan na naging kontrobersyal ang kasalang Sarah at Matteo,dahil sa panggugulong ginawa ng ina ni Sarah na si Mommy Divine.

4. Sheena Halili and Jeron Manzareno

Noong Pebrero 23,2020 naman ginanap ang pag-iisang dibdib ng aktres na si Sheena Halili at non-showbiz fiancée nitong si Jeron Manzanero. Isang bonggang kasalan ang naging seremonya ng kanilang kasal na ginanap sa The Blue Leaf Cosmopolitan sa Quezon City.

5. Charee Pineda and Martell Soledad

Matapos ang pitong taon bilang magkasintahan, ay nagpasya na ang aktres na si Charee Pineda at nobyo nitong si Martell Soledad na lumagay sa tahimik. At ang dalawa nga ay ikinasal noong Pebrero 28,2020. Ang kanilang engagement naman ay kanilang inanunsyo noong Disyembre 2019.

6. Jay R and Mica Javier

Noong Oktubre 2018, nang maengaged ang long-time couple na sina Jay R at Mica Javier. Pitong taong magkasintahan sina Jay R at Mica bago ikasal noong Marso 1,2020. Sa isang napakagandang beach wedding nagsumpaan ang dalawa na ginanap sa The Lind Resort na dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan sa showbiz.




7. Sarah Lahbati and Richard Gutierrez

Kahit nga nasa gitna ng pandemya, ay hindi ito naging hadlang sa celebrity couple na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez upang maisakatuparan ang kanilang pag-iisang dibdib. Noong Marso 14,2020 ginanap ang kasal nina Sarah at Richard ngunit sa halip na isang magarbo at engrandeng kasalan, ay nauwi ito sa isang simpleng seremonya na dinaluhan lamang ng ilan sa kanilang mga mahal sa buhay bilang pag-iingat sa COVID-19.

8. Fourth Solomon and Grizelle Gratela

Hindi rin nagpahuli sa mga ikinasal noong nakaraang taon, ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Fourth Solomon. Ikinasal nga si Fourth sa kanyang modelong girlfriend na si Grizelle Gratela noong Agosto 27,2020 sa isang intimate wedding ceremony na ginanap sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Quezon City.

9. KZ Tandingan and TJ Monterde

Napakaromantiko naman ng naging seremonya ng kasal ng celebrity couple na sina KZ Tandingan at TJ Monterde. Ito nga ay isang intimate wedding ceremony na ginanap sa napakagandang resort na The Farm na matatagpuan sa San Benito sa Lipa, Batangas noong Setyembre 28,2020. At noong Oktubre 8, ay inanunsyo ng mag-asawa ang kanilang naganap na pagpapakasal sa pamamagitan ng isang music video na mapapanood sa YouTube Channel ni KZ.

10. Ina Feleo and Giacomo Gervasutti

Noong nakaraang Disyembre 1, 2020,ay nasaksihan ng pamilya at malalapit na kaibigan ng aktres na si Ina Feleo ang pag-iisang dibdib nila ng kanyang Italian fiancee na si Giacomo Gervasutti. Ginanap ang kanialang pag-iisang dibdib sa Pinto Art Museum.

error: Content is protected !!