Connect with us

Entertainment

Kilalanin Ang Mga Sikat Na Celebrities sa Showbiz na Nakapangasawa ng Foreigners

Tunay nga ang kasabihang “love knows no boundaries” sa dalawang pusong nagmamahalan. Magkaiba man nga ang kanilang nationalities, ay hindi ito hadlang sa kanilang tunay at tapat na pagmamahalan. Katulad na lamang nga ng mga sikat na celebrities sa showbiz na nagmahal ng foreigners, at ang kanilang pag-iibigan ay nauwi sa pag-iisang dibdib.

Kilalanin ang mga sikat na celebrities sa showbiz na nakapangasawa ng foreigners.

Solenn Heussaff at Nico Bolzico

Photo credits: google.com

Taong 2012 nang magsimula ang pag-iibigan ng aktres na si Solenn Heussaff at asawa nitong si Nico Bolzico na isang Argentine businessman. Pagsapit nga ng taong 2014, ay inalok na ng kasal ni Nico si Solenn para makasama habang buhay. At sila nga ay ikinasal noong May 21, 2016, sa Combourg, France. Agad namang biniyayaan ang kanilang pagsasama ng isang napakacute na supling na isinilang ni Solenn noong ika-1 ng Enero 2020 sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig. Ito nga ang kanilang panganay na anak na pinangalanang Thylane Katana na siyang nagbibigay saya at kulay sa kanilang pagsasama.

Isabelle Daza at Adrien Semblat

Noong 2016 nang kumpirmahin ng aktres na si Isabelle Daza ang kanilang engagement ng kanyang long-time boyfriend sa loob ng pitong taon na si Adrien Semblat isang French businessman. Hindi nga nagtagal ay ikinasal na sila noong September 10, 2016 na naganap sa San Francesco Church sa Tuscany, Italy.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Ngayon nga, ay masayang-masaya ang mag-asawa kapiling ang kanilang dalawang anak na sina Balthazar Gabriel Daza Semblat at Valentin. Ang panganay na si Baltie ay isinilang ni Isabelle noong April 1, 2018 habang ang bunsong si Valentin naman ay isinilang noong April 9, 2021.

Iza Calzado at Ben Wintle

Photo credits: google.com

Taong 2011 unang nagkakilala sina Iza Calzado at British husband nitong si Ben Wintle sa isang magazine event kung saan naghost si Iza. At matapos maengaged noong October 2017, ang kanilang pag-iibigan ay nauwi sa kasalan noong December 2018, na naganap sa isang resort sa Palawan.

Georgina Wilson at Arthur Burnand

Noong 2015, nang magsimula ang pag-iibigan ng model-actress na si Geogina Wilson at British businessman and hotelier husband nitong si Arthur Burnand. Matapos maengaged noong October 2015, ay nagpakasal na sila noong April 30, 2016 na naganap sa Winchester, England. Sa ngayon ay may tatlong anak na sina Georgina at Arthur.

Photo credits: google.com

Ang kanilang panganay na si Archibald Francis Geoffrey “Archie” Burnand ay isinilang noong December 14, 2016. Ang pangalawang anak na si Alfred Thor Crichton “Alfie” Burnand ay noong June 24, 2019 naman ipinanganak. At kamakailan lamang nga, ay masaya nilang sinalubong ang pagdating ng kanilang pangatlong anak na si Charlotte Arabella na isinilang noong April 5, 2021.

error: Content is protected !!