Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang mga Sikat na Celebrities na Nakapangasawa ng mga Milyonaryo at Bilyonaryo

Marahil nga ay maituturing na mapalad ang mga taong ipinanganak na may angking kayamanan, o kaya naman ay tagapagmana ng napakaraming ariarian. Ngunit, mapalad rin naman ang mga nakapangasawa ng mga taong nagmula sa mayamang angkan. At maraming artista nga sa showbiz ang nahanap ang tunay na pag-ibig sa asawa nilang bilyonaryo. Ating kilalanin ang mga artista sa showbiz na nakapangasawa ng bilyonaryo.

Nina Jose

Photo credits: google.com

Si Nina Jose ay ikinasal noong 2017 sa businessman at politician na si Cezar Quiambao na nagmula sa Bayambang, Pangasinan. Ang agwat ng kanilang edad ay hindi naging hadlang sa kanilang pagmamahalan. Si Nina ay 32 taong gulang habang si Cezar naman ay 65 taong gulang. Ngayon nga ay masaya silang nagsasama kapiling ang kanilang anak na si Antonio.

Kaye Abad

Photo credits: google.com

Napangasawa naman ni Kaye Abad ang mula sa mayamang angkan sa Cebu na si Paul Jake Castillo. Sila ay ikinasal noong December 9, 2016 sa hometown ni Paul sa Cebu City. Si Paul ay isang aktor at businessman na nagmamay-ari ng ilang negosyo katulad na lamang ng Yobob Lechon De Cebu.

Julia Clarete

Photo credits: google.com

Ang napangasawa naman ng dating Eat Bulaga host na si Julia Clarete ay ang businessman na si Gareth McGeown. Si Gareth ay CEO ng Coca Cola Philippines, Singapore, Brunei at Malaysia. Sila ay ikinasal noong July 2017, at masaya na ngayong naninirahan sa Kuala, Lumpur kasama ang kanilang anak.

Beauty Gonzalez

Photo credits: google.com

Ang aktres na si Beauty Gonzalez ay napangasawa ang bilyonaryong si Norman Crisologo noong 2017. Si Norman ay isang art curator at art collector. Ngayon nga ay masayang masaya ang kanilang pagsasama na binigyang kulay ng kanilang anak na si Olivia.

Pauleen Luna

Photo credits: google.com

Isa namang aktor at TV host naman ang napangasawa ng aktres na si Pauleen Luna, at ito nga ay walang iba kundi si Vic Sotto. Hindi naman talaga maikakaila ang angking yaman ni Bossing. Sa kabila naman ng agwat ng kanilang edad, ay pinatunayan nila ang kanilang tunay at wagas na pagmamahalan matapos ikasal noong 2016. Binigyang kulay naman ng kanilang anak na si Talitha ang kanilang pagsasama.

Bangs Garcia

Photo credits: google.com

Taong 2016 naman nang ikasal si Bangs Garcia sa kanyang Filipino-British husband na si Lloyd Birchmore, isang businessman. Sila ay tatlong beses ikinasal, at ngayon nga ay may dalawang anak na.

Dawn Zulueta

Photo credits: google.com

Si Antonio Ernesto Floirendo Lagdaméo Jr. naman ang napangasawa ng aktres na si Dawn Zulueta. Si Antonio ay isang Filipino politician ay businessman na kung saan ay three-term congressman ng 2nd District ng Davao del Norte. Si Antonio ay nagmula sa mayamang angkan ng Floirendo clansa Southern Mindanao. Sina Dawn at Antonio ay ikinasal noong 1997 kung saan ang kanilang pagsasama ay biniyayaan ng dalawang anak, sina Jacobo at Ayisha.

Gretchen Barretto

Photo credits: google.com

Common-law partner naman ni Gretchen Barretto ang businessman na si Antonio “Tony Boy” Cojuangco Jr. Si Tony Boy isa sa kinikilalang pinakamayamang personalidad sa bansa na nagmula sa mayamang angkan ng Cojuangco. Ang kanilang pagsasama ni Gretchen sa loob ng ilang dekada ay biniyayaan ng isang anak, si Dominique.

Assunta de Rossi

Photo credits: google.com

Si Assunta de Rossi ay mapalad na natagpuan ang tunay na pag-ibig sa katauhan ng politician at businessman na si Jules Ledesma na nagmula sa mayamang angkan sa San Carlos, Negros Occidental. Noong December 2014, 2021 ay masayang ipinagdiwang nina Assunta at Jules ang kanilang ika-19th wedding anniversary. Isa namang miracle baby ang kanilang anak na si Baby Fiore dahil matapos ang halos 17 taong paghihintay ay ipinagkaloob na sa kanila ang kanilang anak.

error: Content is protected !!