Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang mga Sikat na Celebrities na may mga Napaka Cute na Alagang Aso at Silipin ang Kanilang Masayang Pagdiriwang ng International Dog Day

Tunay nga na ang ating mga alagang aso ay maituturing na “man’s bestfriend” dahil hindi maikakaila ang pagiging malapit nila sa atin na nag-aalaga sa kanila. Ang katapatan rin ng ating mga alagang aso sa atin ay walang kapantay kung kaya’t hindi lamang isang alagang aso ang turing natin sa kanila kundi para na ring isang kaibigan.

At kamakailan nga, araw ng Miyerkules, Agosto 26 ng taong kasalukuyan nang masaya nating ipagdiwang ang International Dog Day.

Ang espesyal na araw na ito ay inilunsad upang pahalagahan natin ang ating mga alagang aso kahit anumang uri ng mga ito. Taong 2004 nang likhain ang espesyal na araw na ito ng founder at animal advocate na si Coleen Paige.



Ang pagdiriwang ng International Dog Day ay ginawa sa buong mundo, at bilang kasaping bansa ang Pilipinas sa dami ng mga dog lovers, ay masaya natin itong pinagdiwang sa ating bansa kasama ang ating mga cute at malambing na alagang aso.

Halos hindi nga magkamayaw ang mga dog lovers lalo na ang mga kilalang celebrities sa showbiz sa kanilang mga social media accounts kung paano nila babatiin ang kanilang mga alagang aso sa espesyal na araw na ito.
Sa dami nga ng mga celebrities sa showbiz na malaki ang pagmamahal sa kanilang alagang aso ay halos mapuno na ang kanilang mga social media accounts ng mga nakakaantig na mensahe para sa kanilang mahal na alaga.
Ang mga sikat na artista na sina Arci Munoz, Sunshine Cruz, Joseph Marco, Kim Molina, Rocco Nacino, Joyce Pring at Jason Abalos ay mas piniling batiin ang kanilang mga alaga sa pamamagitan ng pagpost sa Instagram ng kanilang larawan kasama ang kanilang mahal na alagang aso.

Photo credits: Arci Munoz | Instagram 

Photo credits: Arci Munoz | Instagram 

Photo credits: Sunshine cruz | Instagram



Photo credits: Joyce Pring | Instagram

Photo credits: Nacino Rocco | Instagram

Samantalang ang ilang celebrities gaya naman nina Yassi Pressman, Hero Angeles, at Vivoree Esclito ay mas pinili naman na itampok ang kanilang mga alagang aso sa solong larawan o kaya naman ay video ng kanilang alagang aso kung saan kitang-kita ang kacutan at pagiging malambing ng mga ito.

Ang ilang celebrities naman, ay parang mga anak na rin ang turing sa kanilang mga alagang aso na talagang makikita ang pag-aalaga at pagmamahal sa mga ito. Kabilang na nga rito sina Jodi Sta. Maria, Anne Curtis, Karylle, Solenn Heussaff, Jasmin Curtis, Sharon Cuneta, Janella Salvador, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Rita Avila, Jake Cuenca, Kylie Verzosa, Nadine Lustre, James Reid, Andrea Brillantes, Matteo Guidicelli, Edu Manzano, Coleen Garcia, at Sarah Geronimo.

 

 

Photo credits: Kathryn Bernardo | Instagram



Photo credits: Ryza Cenon | Instagram

Aso mang maituturing ang ating mga alaga, ay may mga puso’t damdamin rin sila na tila tulad ng sa tao. Ang kanilang paglalambing nga sa mga taong nag-aalaga sa kanila ay hindi matatawaran na kung saan ay talagang mahuhulog ang loob mo.

error: Content is protected !!