Connect with us

Entertainment

Kilalanin Ang Mga Sikat Na Artista Sa Showbiz Na Nakapagtapos Ng Pag-aaral At Alamin Ang Kursong Kinuha Nila Sa Kolehiyo

Ang mga sikat na artista sa showbiz, bagama’t may mga namamayagpag nang karera, ay hindi naman nila hinayaan na mabalewala ang kanilang pag-aaral. Napakahalaga naman talaga ng edukasyon sa buhay ng bawat indibidwal.

Na kahit nga ang mga sikat na artista, ay nagsusumikap na makapagtapos ng pag-aaral sa kabila ng kanilang katanyagan. Tunay rin nga na ang katanyagan sa showbiz, ay may katapusan at ang makapagtapos ng pag-aaral ay isang daan para makamit nila ang tagumpay.

May mga sikat artista na bago pa man pasukin ang magulong mundo ng showbiz, ay tinapos muna nila ang kanilang pag-aaral. At may ilan rin namang habang namamayagpag ang karera sa showbiz, ay nagagawa nilang isingit ang pag-aaral.

Ating kilalanin ang mga artistang nakapagtapos ng pag-aaral at alamin rin natin kung anong kurso sa kolehiyo ang kanilang kinuha.

Liza Soberano


Ang napakagandang aktres na si Liza Soberano bagama’t taglay na ang katanyagan sa kanyang karera, ay patuloy parin siyang nagsusumikap na makapagtapos ng pag-aaral. Noong taong 2019 ay bumalik sa pag-aaral si Liza at sa prehistiyosong Southville International School pumasok ang aktres ay kumuha ng kursong BS Psychology.

Julia Montes

Ang aktres na si Julia Montes sa murang edad ay pinasok na ang mundo showbiz. Ngunit, hindi ito naging hadlang para siya’y makapag-aral. Sa kabila nga ng kanyang busy schedule ay nakapagtapos siya ng high school sa Blessed Hope Christian School. At noong June 2015, ay natapos naman ni Julia ang kanyang culinary course sa Center for Culinary Arts, Manila. Noong September 2021 naman, ay masayang ibinahagi ng aktres na kabilang siya sa Dean’s Lister para sa second semester ng school year 2020-2021 sa Southville International School and Colleges. At siya kumuha ng kursong bachelor’s degree in Business Administration, major in Marketing Management.

Coco Martin

Ang sikat na aktor at ngayon nga ay may pinakamatagumpay na karera sa showbiz na si Coco Martin ay nakapagtapos naman ng Bachelor of Science degree in Hotel and Restaurant Management sa National College of Business and Arts.

Maymay Entrata

Ang Pinoy Big Brother Lucky 7 winner na si Maymay Entrata, ay nag-aral ng kolehiyo sa kursong Technology Communication Management sa Mindanao University of Science and Technology. Ngunit, siya’y natigil nang pumasok sa Bahay Ni Kuya at maging housemate.

Enchong Dee

Ang aktor na si Enchong Dee ay nag-aral sa Naga Hope Christian School. Ipinagpatuloy naman niya ang kanyang swimming career sa De La Salle University in Manila. At sa nasabing paaralan rin ay natapos niya ang kursong BS Developmental Studies.

Robi Domingo

Matapos lumabas ng Bahay ni Kuya at maging housemate sa reality talent show na Pinoy Big Brother, ay nagpasya si Robi Domingo na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. At noong 2012 nga, ay nakapagtapos ng kolehiyo si Robi sa Ateneo de Manila University sa kursong Bachelor of Science degree in health sciences.

error: Content is protected !!