Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang mga Sikat na Artista na Mapalad dahil sa Pagkakaroon nila ng Sobrang Mapagmahal na Yaya

Published

on

Ang mga sikat na artista sa industriya ng showbiz ay nagkakaroon ng mga taong nag-aalaga at nag-aasikaso ng kanilang mga pangangailangan. Sila nga ang mga mapagmahal na Yaya, kung saan handang magbigay ng oras upang maalagaan at maibigay ang kanilang pangangailangan.




Kilalanin ang mga sikat na artista na napakapalad sa pagkakaroon ng mapagmahal na Yaya.

Alden Richards at Mama Tenten

Bago pa man sumabak ang aktor na si Alden Richards sa kasikatan sa phenomenal na segment ng Eat Bulaga na Kalyeserye kung saan naging ka-love team niya si Maine Mendoza, nasa tabi na ni Alden ang kanyang personal assitant na si Mama Tenten. Hindi nga pinabayaan ni Mama Tenten si Alden at palagi itong nasa tabi niya upang alagaan at asikasohin ang aktor. Kaya naman, biglang ganti sa kabutihan ni Mama Tenten, nagpasya si Alden na isama ito sa France noong 2017 nang magbakasyon siya.

Piolo Pascual at Yaya Moi

Kahanga-hanga rin ang relasyon ng aktor na si Piolo Pascual at Yaya Moi. Nag-uumpisa pa lang sa kanyang karera ang aktor ay kasama na niya si Yaya Moi. At makikita nga na talagang malapit sila sa isa’t isa. Hindi na nga iba ang turing ni Piolo kay Yaya Moi, dahil para sa aktor ay kapamilya na niya ito. Kaya naman, nang sumabak naman sa pag-aartista si Yaya Moi ay ibinigay rin ni Piolo ang kanyang buong suporta sa kanyang Yaya.

Kris Aquino at Yaya Yaya Bincai

Ang Yaya naman ni Kris Aquino na si Yaya Bincai ay mahigit sampong taon nang naninilbihan sa kanilang pamilya. Kaya naman, upang pasalamatan ito sa taglay na kasipagan at sakripisyo para sa kanilang pamilya, niregaluhan pa ito ni Kris at ng kanyang mga anak na si Bimbi at Josh ng Tiffany Necklace sa kaarawan nito.

Bimbi at Yaya Gerbel

Ang anak ni Kris Aquino na si Bimbi ay maswerteng nakatagpo ng mapagmahal na yaya sa katauhan ni Yaya Gerbel. Ngunit, ngayon ay inaalagaan na rin ni Yaya Gerbel ang kanyang Kuya Josh. Kasama naman ni Yaya Herbel ang kapatid niyang si Yaya Bincai sa pag-aalaga ng pamilya nina Kris.

Sharon Cuneta at Yaya Luring


Halos tumanda na nga si Yaya Luring sa pag-alalaga kay Megastar Sharon Cuneta. At sa loob nga ng 40 taong paninilbihan nito sa pamilya ni Sharon ay ipinamalas nito ang pagmamahal sa pamilya.

Gloria Diaz at Yaya Luning

Pamilya na rin ang turing ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz sa kanyang Yaya Luning na talaga namang mahal na mahal ng beauty queen. Sa katunayan nga nito, ay kasama si Yaya Luning sa kanilang family portrait.




Family Belo at Yaya Anita

Sa loob naman ng 9 years ay ipinaramdam ni Yaya Anita ang kanyang pagmamahal sa Pamilya Belo. Una ngang pinagsilbihan ni Yaya Anita si Hayden Kho at Dra. Vicki Belo. At ngayon nga na may anak na ang mag-asawa, ay nakatuon na ang pansin at pag-aalaga ni Yaya Anita sa nakapacute nilang anak na si Scarlet Snow.

Carla Abellana at Anna Autor

Malaki naman ang utang na loob ng aktres na si Carla Abellana sa kanyang personal assistant. At ayon nga sa aktres, ay hindi niya alam ang gagawin niya kapag iniwan siya nito.

Valeen Montenegro at Yaya

Napaka-sweet naman ng Yaya ng aktres na si Valeen Montenegro dahil parati nga itong nag-tetext sa kanya at ang kanyang yaya nga ang kahuli-hulihang nagtetext sa kanya bago siya matulog.

Cassy Legaspi at Yaya Cora

Hindi naman maikakaila ang pagiging malapit ni Cassy sa kanyang Yaya Cora. Si Yaya Cora na nga ang nag-alaga kay Cassy magmula ng isilang ito. Kaya naman, para kay Cassy ay si Yaya Cora ang itinuturing niyang pangalawang ina at bestfriend.

Judy Ann Santos at Yaya Binay

Napakahalaga naman papel na ginampanan ni Yaya Binay sa pamilya ng aktres na si Judy Ann Santos. Kaya naman, nang pumanaw ito noong 2017 sa edad na 69 ay labis ang naramdamang kalungkutan ni Juday.

Ina Raymundo at Yaya Josie

Napakapalad naman ni Ina Raymundo sa kanyang Yaya Josie. Mula nga nang siya’y pitong taong gulang pa lamang ay inalagaan na siya ni Yaya Josie. At ngayon ngang may 5 anak na siya sa kanyang asawang Canadian na si Brian Poturnak, ay ito lamang ang pinagkakatiwalaan ng aktres upang mag-alaga sa kanyang mga anak.

Lovi Poe at Ate Vina

“You’ve got 2 beautiful, amazing children yet you still choose to give me a piece of your heart”, nakakaantig namang mensahe ng aktres na si Lovi Poe para sa kanyang Ate Vina na talaga namang makikita ang closeness nila. Binigyang pugay rin ito ni Lovi noong International Women’s Day.




Kris Bernal at Ate Glecy
Bago pa man pasokin ni Kris Bernal ang mundo ng showbiz, nasa tabi na niya ang kanyang Ate Glecy. At mas lalo pa ngang nasubok ang kanilang samahan nang sumikat na si Kris. Si Ate Glecy nga ang nagsisilbing nanay-nanayan ng aktres.

Maine Mendoza at Ate Perly

“Maraming salamat sa walang sawang pag-aaruga sa pamilya Mendoza. Mahal na mahal ka namin at hinding hindi ka namin pababayaan!”, mensahe naman ni Maine sa kanyang Ate Perly na talagang mahal na mahal niya. Labis nga ang pasasalamat ni Maine sa kanyang Yaya Pepe sa pag-aalaga sa kanilang pamilya. At bilang ganti nga, pamilya na rin ang turing ni Maine sa kanyang mahal na Yaya.

KC Concepcion at Nanay Lina
Simula pagkabata ay si Nanay Lina na ang nag-alaga kay KC. Kaya naman, hindi matatawaran ang samahang taglay nila. Bilang pasasalamat nga ni KC kay Nanay Lina sa pag-aalaga sa kanya ay niregaluhan niya ito ng house and lot.

Rica Peralejo at Daday

50 taon nang naninilbihan si Yaya Daday sa pamilya ng sexy actress na si Rica Peralejo kaya naman pamilya na ang turing niya rito. At ayon nga sa aktres, napakahirap ang makatagpo ng kagaya ng Yaya Daday niya. “Hirap na ding makahanap ng mga taong katulad niya, who is like family and has the genuine heart to serve.”




Lucy Torres at yayas in Ormoc

Nagbalik-tanaw naman ang actress- politician na si Lucy Torres sa Instagram sa mga masasayang sandali na nakasama niya ang kanilang mga yaya at kasambahay sa Ormoc. Matagal nang panahon ang lumipas, ngunit nananatili parin sa puso ni Lucy ang mga sakripisyo at pag-aalaga ng kanilang mga masisipag na yaya. Kabilang na nga rito sina Yaya Juling, Yaya Conching, Manang Kessen, Yaya Noneng, Yaya Minda, at kalaro niyang si Marilyn.

error: Content is protected !!