Connect with us

Entertainment

Kilalanin Ang Mga Pinoy Celebrities Na Nagpakasal Nang Palihim At Pribado

Matapos nga ang naging sikretong pagpapakasal nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo noong Pebrero 20, 2020 ay patuloy pa rin itong pinag-uusapan ng marami nating kababayan dahil sa nangyari panggugulo umano ng ina ni Sarah na si Mommy Divine sa pinangyarihan ng kasal.

Photo Credit: Matteo Guidicelli Instagram




Kung nasa industriya ka ng showbiz ay talaga namang mahirap magtago ng isang sikreto lalo na at ang iyong buhay ay parang bukas na libro sa publiko. Ngunit may ilan na mga Pinoy Celebrities na sa kabila ng kanilang pagiging sikat ay nagawa nilang isekreto sa publiko ang isa sa pinakaespesyal na araw sa kanila at ito ay ang kanilang kasal, at meron din namang aktor na sinekretong naghanda ng kasal nila para sa kanyang magiging asawa.

Narito ang ilan sa mga kilala nating Pinoy Celebrities na pribado at sikreto ang naging kasal.

Photo Credit: Google Image

ZOREN LEGASPI AT CARMINA VILLAROEL
Ito ang isa sa pinakasikreto ngunit napakagandang kasal ng isang celebrity na ginanap noong taong 2012. Ang kasalang ito nina Carmina at Zoren ay talaga nga namang napakamemorable sapagkat walang kaalam-alam si Carmina sa mga kaganapan na sila pala ay ikakasal.
Sa tulong ng anak nila na kambal na si Cassy at Maverick, ay plinano ni Zoren ang kasal nila ni Carmina ng wala itong kaalam-alam. Sa pag-aakala ni Carmina ay may pupuntahan lamang silang taping ng kambal niyang anak, ngunit laking sorpresa niya ng isang napakagandang wedding venue ang kanilang pinuntahan at naroon ang lahat ng kanilang kapamilya at mga malalapit na kaibigan.

Photo Credit: Google Image




MEGAN YOUNG AT MIKAEL DAEZ
Kailan lamang nang maging trending sa social media ang kasal ng magkasintahang Megan Young at Mikael Daez. Isang simpleng kasal lamang ito na dinaluhan lamang ng sampung panauhin, ngunit ayon sa dalawa ay ang kasal nila na ito ay ginanap bago ang pinaghandaan nilang “Big Day”.

Photo Credit: Google Image

JUDY ANN SANTOS AT RYAN AGONCILLO
Isang simple at pribadong kasal naman ang naging kasal nina Judy Ann at Ryan, ito ay isang secret ceremony na ginanap noong April 28, 2009 sa San Juan Nepomuceno Church, San Juan Batangas. Ipinakiusap din nina Judy Ann at Ryan noon sa ilan nilang mga bisita ang “No Camera” rules dahil ayaw umano ng dalawa na magkaroon ng “media circus” na maaring magpasira sa pagkasagrado ng kasal.

Photo Credit: Google Image




SOLENN HEUSSAFF AT NICO BOLZICO
Bago naganap ang engrandeng kasal sa simbahan nina Solenn at Niko sa France, ay ikinasal na pala ang mga ito sa isang civil wedding ceremony sa Argentina ng nakaraang taon. Marami nga sa atin ang hindi nakaka-alam na dalawang beses pala ikinasal sila Solenn at Niko.

error: Content is protected !!