Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang mga Pinay Celebrities na ito na Biniyayaan ng Anak at Inanunsyo ang Pagbubuntis Ngayong Taong 2020

Hindi natin maitatanggi na mabigat ang mga pagsubok na dala ng taong 2020 sa pamilya ng bawat Pilipino. Matinding pagsubok nga ang kinaharap ng marami dulot ng pandemya, sabayan pa nga ito ng mapaminsalang bagyo na sumira naman ng maraming ari-arian.

Ngunit, sa kabila nito ay marami pa rin ang hindi nawawalan ng pag-asa. Sa gitna nga ng unos, ay maituturing na biyaya at simbolo ng bagong pag-asa ang pagkakaroon ng biyayang sanggol sa sinapupunan.




Kilalanin ang mga Pinay Celebrities na biniyayaan ng sanggol at kanilang inanunsiyo ang pagbubuntis ngayong taong 2020.

Dianne Medina

Isang magandang balita ang hatid ng celebrity couple noong nakaraang Easter Sunday, buwan ng Abril, nang kanilang ianunsiyo sa kanilang Instagram na malapit na silang maging magulang sa panganay nilang anak.

Photo credits: Diane Medina | Instagram

Sa Instagram post ni Dianne, ay makikita ang nakaumbok na tiyan na noon ay apat na buwan na. Isinilang ni Dianne ang panganay na baby boy nila ni Rodjun noong Setyembre 10, 2020 at pinangalanan nila itong Rodolfo Joaquin Diego III.

Photo credits: Diane Medina | Instagram

Sheena Halili

Noong ika-23 ng Hunyo naman inanunsiyo ng aktres na si Sheena Halili ang kanyang pagbubuntis sa panganay na anak nila ng kanyang asawang si Jeron Manzanero.

Photo credits: Sheena Halili | Instagram

Sa Instagram, ibinahagi ni Sheena ang magandang balita, kung saan ay makikita sa larawan na hawak niya ang somogram ng kanyang baby na noon ay 13 weeks na. Noong Hulyo 17 naman, ay ibinunyag na kanilang gender reveal na ang panganay nila ay isang baby girl. Isinilang naman ni Sheena ang kanilang baby girl noong Disyembre 12 na pinangalanan nilang Martina Candice Halili Manzanero.

Photo credits: Sheena Halili | Instagram

Lara Quigaman

Ang pagsasama ng mag-asawang Lara Quigaman at Marco Alcaraz ay muling biniyayaan ng isa pang anak. Kasama ang dalawa nilang anak na sina Noah at Tobias ay masaya nilang inanunsiyo noong Abril 30 sa kanilang vlog ang biyayang dumating sa kanilang pamilya.




Nang mga sandaling iyon ay 19 weeks na ang dinadala sa sinapupunan ni Lara. At noong Hunyo naman ay nabunyag na isang baby boy ang kanilang magiging pangatlong anak. Pinangalanan naman nila itong Moses Marc Alcaraz na isinilang ni Lara noong Setyembre 17, 2020.

Photo credits: Sheena Halili | Instagram

Coleen Garcia

Noong Mayo 1 naman inanunsiyo ng cebrity couple na sina Coleen at Billy sa Instagram ang pagbubuntis ni Coleen. Ibinunyag naman ni Coleen na noon pang nakaraang buwan ng Disyembre siya buntis ngunit nitong taon lamang nila nalaman.

Photo credits: Coleen Garcia | Instagram

Nagsilang si Coleen ng isang malusog na baby boy na pinangalanan nilang Baby Amari noong Setyembre 10 sa pamamagitan ng water birth.

Photo credits: Coleen Garcia | Instagram

Assunta de Rossi

Matapos nga ang halos 16 taong pagsasama, sa wakas ay ipinagkaloob na sa mag-asawang Assunta de Rossi at Jules Ledesma ang anak na matagal na nilang hinihiling. Mayo 5, nang ianunsiyo ng aktres sa Instagram ang magandang balita. Isinilang ni Assunta si Baby Fiore noong nakaraang buwan ng Oktubre, na itinuturing nilang “miracle baby”.

Photo credits: Coleen Garcia | Instagram

Photo credits: Coleen Garcia | Instagram

Ryza Cenon

Noong Hulyo 1 nang ianunsiyo ng aktres na si Ryza Cenon ang kanyang pagbubuntis sa panganay na anak nila ng kanyang partner na si Miguel Cruz. Noon ay 5 buwan na ang dinadala ni Ryza.

Photo credits: Nice Print Photography




Noong Oktubre 31, isinilang ni Ryza ang malusog at napakacute na si Baby Night.

Photo credits: Ryza Cenon | Instagram

error: Content is protected !!