Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang mga Nag-Gagandahang Celebrities at Beauty Queen na ito na Taglay ang Half-Filipina Beauties

Maipagmamalaki naman talaga ang taglay na kahanga-hangang kagandahan ng mga Pinoy. Ngunit, kapag nahaluan naman ng dugong banyaga, ay tiyak na mas lilitaw ang napakagandang imahe na masasabing dyosa ng kagandahan.

At marami nga sa mga sikat na celebrities sa showbiz ang bunga ng pinaghalong lahi ng Pinoy at banyaga. Ito nga ay dahil sa walang sukatang pag-ibig dahilan nga para umibig ang isang Pinoy ng isang banyaga. Hindi naman maikakaila na ang genes ng pinaghalong lahi ay sadyang napakaganda ng bunga.

Ating kilalanin ang naggagandahang celebrities sa showbiz na taglay ang half-Filipina beauties.

Ivana Alawi

Ang kinababaliwan ng publiko dahil sa kanyang napakagandang mukha at seksing katawan na si Ivana Alawi ay bunga ng pinaghalong lahi. Ang ina ni Ivana na si Fatima Alawi ay isang Pinay samantalang ang kanyang ama naman ay isang Moroccan.

Photo credits: google.com

Liza Soberano

Ang napakagandang aktres na si Liza Soberano ay may lahing half American. Ang ama ni Liza ay purong Pinoy, habang ang kanyang ina naman ay isang American.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Arci Muñoz

Taglay naman ng aktres na si Arci Muñoz ang pinaghalong lahi ng kanyang mga magulang na sina Manuel Ramon Muñoz at Yolanda Tabjan Datuin. May halong Spanish si Arci dahil, ang kanyang ina ay Filipina at ang kanyang ama naman ay Spanish.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Catriona Gray

Si Miss Universe 2018 Catriona Gray ay sadyang napakaganda. At ang dahilan ng kanyang taglay na kagandahan ay ang pinaghalong lahi ng kanyang ina na isang Filipina at ama na isang Scottish-Australian.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Julia Montes

Hinahangaan rin ng marami ang angking kagandahan ng aktres na si Julia Montes. Si Julia ay taglay rin ang half Filipina beauty. Ang kanyang ama ay isang German habang ang kanyang ina ay may purong dugong Pinoy.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Rabiya Mateo

Ang itinanggal na Miss Universe Philippines 2020, na si Rabiya Mateo ay isang half Indian. Ang kanyang ina ay Filipina at ang kanyang ama ay isang Indian.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Yassi Pressman

Hahangaan naman ang taglay na ganda ni Yassi Pressman na isang half British. At ang walang dudang kagandahan ng aktres ay mula sa pinaghalong dugo ng kanyang mga magulang kung saan ang kanyang ama ay may lahing British samantalang Filipina naman ang kanyang ina.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Jessy Mendiola Manzano

Ang dugong nananalaytay naman sa aktres na si Jessy Mendiola ay may halong Lebanese na siyang dahilan ng kanyang napakagandang mukha. Ang ina ni Jessy ay isang Filipina habang Lebanese naman ang kanyang ama.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Solenn Heussaff

French naman ang lahing mayroon ang aktres na si Solenn Heussaff. Ang kanyang ama ay isang French at may dugong Pinoy naman ang kanyang ina.

Photo credits: google.com

Bella Padilla

Ang aktres na si Bella Padilla ay half-British na talaga namang napakaganda. British ang ama ni Bella at Filipina naman ang kanyang ina.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Marian Rivera

Ang kahanga-hangang kagandahan ng aktres na si Marian Rivera ay walang duda na nakuha niya sa kanyang amang Spanish at kanyang ina na isang Filipina.

Photo credits: google.com

Pia Wurtzbach

Si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ay nakamit ang angking kagandahan sa pinagsamang genes ng kanyang mga magulang. Ang ama ni Pia ay isang German at Pinay naman ang kanyang ina.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Anne Curtis

Isa si Anne Curtis sa may pinakamagandang mukha sa showbiz na talagang taglay ang maladyosang kagandahan. Ito nga ay namana niya sa kanyang mga magulang kung saan ay kanyang ama ay Australian at Filipina naman ang kanyang ina.

Photo credits: google.com

error: Content is protected !!