Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang mga Magkarelasyon sa Showbiz na Nauwi sa Hiwalayan Ngayong 2020

Marami ang mga pangyayaring naganap na hindi natin inaasahan ngayong taong 2020. Magmula nga sa matinding pagsubok at krisis na hatid ng pandemya, hanggang sa mapaminsalang bagyo na sumira sa napakaraming ari-arian, ay talagang hindi maikakaila ang hirap na naranasan ng marami.

Kung ang ilan naman ay krisis at kalamidad ang naging problema ngayong 2020, may ilan namang lungkot at pighati na hatid ng kabiguan sa pag-ibig ang naging suliranin.




Katulad na lamang ng mga kilalang personalidad sa showbiz ito na nauwi sa paghihiwalay ang relasyon sa kanilang mga karelasyon.

Andrea Torres at Derek Ramsay

Photo credits: google.com

Ginulat nina Andrea at Derek ang publiko noong ika-19 ng Nobyembre nang aminin ni Derek ang kanilang hiwalayan nang magreply ang aktor sa komento ng isang netizen. Ipinagtanggol naman ni Derek ang dating kasintahan mula sa mga maling akusasyon.

“Please don’t point the finger at anyone. There is nothing wrong with Andrea. She is a great woman. There is no third party! The breakup has happened so fast. Maybe two people are just not meant to be.”

Bobuy Villar at Angillyn Gorens

Photo credits: google.com

Matapos naman ang apat na taong relasyon, ay ginulat ni Bobuy Villar at asawa nitong si Angillyn ang marami sa kanilang paghihiwalay nitong nakaraang buwan ng Oktubre. Ang dating mag-asawa ay nagkaroon ng dalawang anak, sina Vlanz Karollyn at George Michael.

Rhian Ramos at Amit Borsok

Photo credits: google.com

Noong Setyembre 24 naman ibinunyag ng aktres na si Rhian Ramos, na hiwalay na siya sa kanyang Israeli boyfriend na si Amit Borsok. Marami ang nakapansin ng biglaang pagbawas ng timbang ng aktres, kaya naman, inamin na ni Rhian sa publiko ang kanyang pinagdadaanan.

“I gave a little look at the condo while we’re moving out, and somehow inside of that moving out period, I went through a breakup. It was so hard. I really had a hard time, guys.”

Donnalyn Bartolome

Photo credits: google.com

Sa kakaibang unboxing vlog naman inanunsiyo ng singer at vlogger na si Donnalyn ang paghihiwalay nila ng kanyang nobyo. Sa vlog na pinamagatang “Araw ng Patay Kong Puso,” ipinakita niya ang mga gamit na binigay niya rito kung saan ay ibinalik naman sa kanya. Pag-amin naman ni Donnalyn, ay anim na buwan na silang hiwalay ng dating boyfriend ngunit hindi parin inilalantad ng vlogger ang katauhan nito, na ayon sa kanya ay isa itong “private person”.




Sarah Abad at Jay Contreras

Photo credits: google.com

Matapos naman ang 11 taong pagsasama bilang mag-asawa, ay nauwi sa hiwalayan ang frontman ng Kamikazee na si Jay Contreras at dating child star na si Sarah Abad. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay, ay nanatili naman silang magkaibigan alang-alang sa kanilang mga anak.

Daniel Matsunaga at Karolina Pisarek

Photo credits: google.com

Taong 2017 nang isapubliko ng aktor at modelong si Daniel Matsunaga ang relasyon niya sa Polish model na si Karolina Pisarek. At noong 2019 ay nagdiwang ang dalawa ng kanilang ikalawang anibersaryo bilang magkasintahan. Ngunit, pagsapit ng taong 2020, buwan ng Marso ay kinumpirma ni Daniel na hiwalay na sila ng kanyang nobya nang sagutin nito ang komento ng netizen.

James Reid at Nadine Lustre

Photo credits: google.com

Sa pagbungad pa lang ng taong 2020, ay may pasabog na ang dating celebrity couple na sina James at Nadine. Kinumpirma ng dalawa ang kanilang paghihiwalay noong buwan ng Enero sa pamamagitan ng joint statement na isinapubliko sa programang TWBA. Ngunit, sa kabila ng hiwalayan ng JaDine, marami ang kumakalat na espekulasyon na nagkabalikan na ang dalawa dahil madalas umanong makitang magkasama ang mga ito. Pero hanggang ngayon ay wala paring pahayag ang mga ito tungkol rito.

error: Content is protected !!