Connect with us

Entertainment

Kilalanin Ang Mga Magagandang Anak Ni Paolo Contis, Na Pwedeng Sumabak Sa Pag-aartista

Ang aktor na si Paolo Contis ay hinahangaan ng marami dahil sa kanyang husay sa pag-arte. Ilang ulit na nga niya tayong pinabilib sa kanyang angking talento, kung saan nga ay talagang naantig ang ating mga puso sa mga madamdaming eksena. Katulad na lamang ng pelikulang “Through Night and Day” noong 2018, kung saan nakasama niya ang aktres na si Alessandra de Rossi.

Photo credits to the owner

Ngunit, hindi lamang sa drama ipinapamalas ni Paolo ang kanyang husay dahil pagdating sa pagpapatawa at paghahatid ng saya ang taglay na talento ni Paolo ay kahanga-hanga rin. Maliban dito, ay taglay rin ni Paolo ang gwapong mukha upang mapabilang sa listahan ng mga heartthrob sa showbiz. Wala duda kung marami rin ang babaeng kanyang napa-ibig. Kagaya ng kanyang mga naging karelasyon na sina Lian Paz at LJ Reyes.

Ang kanyang good looks naman ay hindi maikakailang namana ng kanyang mga anak. Si Paolo ay may dalawang babaeng anak sa dating EB Babes dancer na si Lian Paz, at isa naman sa aktres na si LJ Reyes.

Photo credits to the owner

Ang kanyang mga anak kay Lian na sina Xalene at Xonia ay agaw pansin ang natatanging ganda sa social media ngayon. At dahil nga parehong maganda at gwapo ang kanilang mga magulang, hindi na rin nakapagtataka kung lumaki silang taglay ang natatanging kagandahan. Bukod sa taglay na ganda, ay hahangaan rin ang talento ng magkapatid na Xalene at Xonia. Sa katunayan nga nito, ay isang proud mommy si Lian sa kanyang mga anak kung saan madalas ibahagi ang video na nagpapakita ng husay nila sa pagsayaw.

Photo credits to the owner

Samantalang ang bunsong anak naman ni Paolo na si Summer na anak niya kay LJ, ay hindi naman magpapahuli sa kacutan at kabibohan. Ang maganda at maamong mukha ni Summer ay talagang pinanggigilan ng mga netizens sa social media. May natatangi ring talento si Summer pagdating sa pag-arte, kung saan nga sa murang edad ay sinanay na ni Paolo. Sa Instagram nga ni Paolo, ay minsan na niyang ibinahagi ang video ng pag-arte ni Summer sa kanilang “Acting 101” session na kinaaliwan ng mga netizens.

Photo credits to the owner

Sa taglay na ganda at talento ng mga anak ni Paolo ay pwedeng-pwede sila isabak sa showbiz upang mag-artista. Ngunit, ayon sa naging panayam kay Paolo, ay desisyon parin ng kanyang mga anak anuman ang landas na nais tahakin ng mga ito.

Ayon pa sa aktor, kung sakaling papasok ang mga ito sa showbiz ay isa nang malaking edge para sa kanyang mga anak ang pagiging artista niya bilang tatay ng kanyang mga anak. Dahil nga artista na raw ang tatay ng kanyang mga anak, ay hindi na raw ang mga ito gaanong mahihirapan at may tao ring magpoprotekta at susuporta sa kanila sa loob ng industriya.

Photo credits to the owner

“Siyempre, malaking edge na iyon na mag-showbiz sila, yung tatay nila, nasa showbiz.”

“Malaking bagay iyon. May mga bagay silang hindi na kailangang pgdaanan. May mga bagay na pwedeng protektahan sila before whatever, kasi, meron nang inside people to support them.”

error: Content is protected !!