Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang mga Lalaking Nagbigay Kulay sa Buhay Pag-ibig ng Real-life Darna na si Angel Locsin

Published

on

Pagdating sa buhay pag-ibig, bago natin matagpuan ang taong itinadhana para sa atin ay may mga tao munang magtuturo ng leksyon sa ating buhay, may magbibigay ng saya at mayroon din namang nagbibigay ng lungkot at kabiguan.

Kagaya na lamang ng aktres at tinaguriang real-life Darna na si Angel Locsin dahil bago pa man niya natagpuan ang tunay na pag-ibig sa fiancee na si Neil Arce, may mga tao namang naging bahagi ng buhay niya na kung saan ay nagbigay ng saya at kalungkutan.




Kilalanin ang mga lalaking naging bahagi ng buhay pag-ibig ni Angel Locsin.

1. Miko Sotto

Si Miko Sotto ang kauna-unahang lalaking inibig ni Angel Locsin ngunit ang kanilang matamis na pagmamahalan ay nagwakas dahil sa hindi inaasahang pagpanaw ni Miko noong December 29, 2013. Ngunit, hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala kay Angel ang kanilang pinagsamahan dahil palagi pa rin itong inaalala ng aktres sa tuwing sumasapit ang death anniversary nito.

2. Dennis Trillo

Ang Kapuso Hunk na si Dennis Trillo ay nagparamdam ng kanyang pag-ibig kay Angel sa shooting ng teleseryeng Mulawin sa GMA Kapuso Network noong 2004. At noong 2005 nga, kinumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon. Ngunit, hindi naman tumagal ang kanilang pag-ibig sa isa’t isa at ito nga ay natapos sa kaparehong taon.

3. Oyo Boy Sotto

Ang relasyon nga ni Angel sa aktor na si Oyo Boy Sotto ang pinakapinag-usapan ng publiko. Ito nga ay dahil ang ex-boyfriend ni Angel na si Miko Sotto ay first cousin ng aktor. Kaya naman, marami nga ang mga matang pumukol sa kanilang relasyon. Hindi naman nagtagal, ang kanilang relasyon ay nauwi sa paghihiwalay.

4. Phil Younghusband

Nagsimula naman ang love story nina Phil Younghusband at Angel sa Twitter. At noong February 14, 2011 ay inalok ni Phil si Angel na makipag-date sa kanya ngunit hindi naman ito napaunlakan ng aktres dahil sa pagiging abala sa trabaho. Hindi naman nagtagal ay pumayag na rin si Angel sa makipag-date kay Phil. At noong May 27, 2012 nga, ay kinumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon, ito nga ay isang taon matapos ang kauna-unahang Tweet ni Phil.




5. Luis Manzano

Sina Luis Manzano at Angel ay unang naging magkarelasyon noong 2008 at nagkahiwalay naman noong July 2009. Ngunit, muli naman silang pinagtagpo ng tadhana upang ayosin ang kanilang relasyon noong 2014. Subalit, hindi naman nagtagumpay ang dalawa na muling ibalik ang tamis ng kanilang pagmamahalan at noong 2016 nga ay tuluyan nang nagwakas ang kanilang pag-iibigan.

Angel Locsin at Neil Arce

Matapos nga ang lahat ng kabiguan ni Angel sa kanyang buhay pag-ibig, ngayon nga ay natagpuan na ni Angel ang isang tunay at wagas na pag-ibig sa kanyang fiancee na si Neil Arce. Nagsimulang pag-usapan ang pag-iibigan ng dalawa, matapos magpost si Neil sa Instagram ng larawan ng aktres at nilakipan ng caption na “Kapag lumingon ka, akin ka”, kung saan ay linya ni Angel sa pelikulang “In the Name Of Love.”




Nakatakda na nga sanang ikasal sina Angel at Neil ngayong taon, ngunit dahil sa nararanasang pandemic, ay nagdadalawang isip pa ang dalawa kung ang kanilang pag-iisang dibdib ba ay dapat ituloy ngayong taon.

“Lahat naman ng nangyayari sa mga buhay natin ngayon, lahat naka-hold. And parang masyadong maaga to decide kung tuloy o anong mangyayari. Because hindi natin alam, baka next week may vaccine na.”

error: Content is protected !!