Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang mga Dating Artista na Nagpasyang Iwan ang Matagumpay na Career sa Showbiz Upang Tahimik at Masayang Manirahan sa Ibang Bansa Kasama ang Pamilya

Ang buhay sa industriya ng showbiz ay may hangganan. Ang ilang celebrities ay nagawang mapanatili ang matagumpay na karera sa showbiz at sa minahal na larangan na nga napiling tumanda. Ang ilan naman, ay mas piniling lisanin ang mundo ng showbiz sa paniniwalang may mas magandang buhay na naghihintay sa kanila sa labas ng showbiz. Sila nga ang mga dating artista na nagpasyang iwan ang showbiz upang tahimik at masayang manirahan sa ibang bansa.

1. Nancy Castiglione

Ang dating aktres at modelong si Nancy Castiglione ay iniwan ang showbiz upang manirahan sa Canada kasama ang kanyang pamilya. Masaya na rin siya ngayon sa kanyang trabaho bilang Business Development Manager ng Sharp Insurance.

Photo credits: google.com

2. Carol Banawa

Si Carol Banawa ay isa na ngayong registered nurse sa US at kasama ang kanyang asawang si Ryan Crisostomo at dalawa nilang anak na sina Chelsea at River. Nakilala si Carol sa showbiz noong dekada 90 hanggang taong 2000, bilang isang mahusay na singer at aktres. Ilan naman sa kanyang mga TV shows na ginampanan ay “Tabing Ilog”, “Sa Dulo ng Walang Hanggan” at “Bituin”. Pinabilib rin ni Carol ang publiko sa husay niya sa pag-aawit kung saan malaki ang naging ambag niya sa mundo ng OPM. Ilan naman sa kanyang mga naging kanta ay “Bakit Di Totohanin” at “Iingatan Ka”.

Photo credits: google.com

3. Beth Tamayo

Ang dating aktres na si Beth Tamayo na sumikat noong dekada 90 ay masaya na ngayong naninirahan sa San Francisco California kasama ang kanyang boyfriend na si Alexander Gredysa.

Photo credits: google.com

4. Cindy Kurleto

Nasa Austria na ngayon ang dating VJ at modelo na si Cindy Kurleto kasama ang kanyang partner at kanilang mga anak.

Photo credits: google.com

5. Krista Ranillo

Iniwan ng dating aktres na si Krista Ranillo ang kasikatan sa showbiz upang tapusin ang kanyang pag-aaral ng Law. Masaya na ngayong naninirahan sa US kasama ang kanyang businessman na asawa at apat nilang anak.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

6. Joyce Jimenez

Ang tinaguriang Pantasya ng Bayan at dating sexy star na si Joyce Jimenez ay iniwan ang showbiz upang manirahan sa US. Tahimik at masaya na ang buhay ngayon ng dating aktres sa US kasama ang kanyang asawa na isang Filipino-American US Airforce Officer na si Paul Ely Egbalic at tatlo nilang anak.

Photo credits: google.com

7. G Toengi

Nagpasyang lisanin ni G Toengi ang showbiz upang ipagpatuloy ang pag-aaral. Ngayon ay nasa US na siya naninirahan kasama ang kanyang asawa na si Tim Walters at dalawa nilang anak. Matagumpay rin ang karera ng dating aktres sa US bilang isang TV producer.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

8. Anjanette Abayari

Ang dating aktres na gumanap bilang sikat na Pinoy superhero na Darna na si Anjanette Abayari ay nasa California na ngayon kasama ang dalawa niyang anak. Ayon rin sa ulat ay engaged na ang dating aktres sa isang pastor roon.

Photo credits: google.com

9. Kim Delos Santos

Nasa Jersey, USA na ngayon ang dating TGIS star na si Kim Delos Santos. At doon ay masayang nagtatrabaho si Kim bilang isang nurse.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

10. Serena Dalrymple

Ang child star na kinagiliwan natin noong dekada 90 na si Serena Dalrymple ay may matagumpay ma karera na ngayon sa New York bilang isang corporate professional sa isang sikat na media company.

Photo credits: google.com

error: Content is protected !!