Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang mga Celebrity Step Mom na Itinuring ng Tunay na Anak ang Anak ng kanilang mga Asawa sa Una nitong mga Naging Karelasyon

Bagama’t mahirap maging isang ina sa hindi mo anak, ay pinatunayan naman ng mga celebrity step mother na ito, na hindi nababase ang pagiging isang ina sa dugo. Ito nga ay dahil tanggap nila ng buong puso at mahal na mahal na tunay na anak na ang turing sa anak sa una ng kanilang asawa.

Kilalanin ang mga celebrity step mother na nagpatunay, na hindi basehan ang dugo upang maging isang ina.




Pauleen Luna

Noong taong 2016 nang ikasal si Pauleen Luna kay Vic Sotto at kasabay ng kanilang pag-iisang dibdib ay buong pusong niyakap ni Pauleen ang pagkatao ni Vic sa pagkakaroon ng anak sa nauna nitong asawa. Bago pa man nga isilang ang kanilang panganay na si Baby Tali, ay isa na siyang mabuting step mom sa mga anak ni Vic kung saan ay madalas na ring magbonding at magkasama.

Camille Prats

Isa ring mabuting step mother si Camille Prats sa anak ng kanyang asawang si VJ Yambao na si Ice. At si VJ naman ay tanggap rin ang anak ni Camille na si Nathan.

Heart Evangelista

Magmula naman ng mapangasawa ni Heart Evangelista ang kanyang asawang si Chiz Escudero, ay agad siyang naging isang ina sa kambal na anak ni Chiz na sina Chesi at Quino. Hindi naman maikakaila na tanggap at tunay na anak na rin ang turing ni Heart sa mga anak ni Chiz.

Mariel Rodriguez

Agad ring naging isang ina si Mariel Rodriguez sa mga anak ni Robin Padilla magmula nang maikasal sila noong 2010. At magmula nga noon, ay talagang naging malapit na si Mariel sa mga anak ni Robin.




Regine Velasquez

Parang tunay na anak na rin ang turing ng Song bird na si Regine Velasquez sa dalawang anak ng kanyang asawang si Ogie Alcasid sa dating nitong asawang si Michelle Van Eimeren na sina Leila at Sarah. Maliban naman sa pagiging stepmom, ay isa ring stage mom si Regine sa panganay na anak ni Ogie.

Korina Sanchez

Nang maikasal noong 2009 sina Korina Sanchez at Mar Roxas, ay may teenager na anak sa unang asawa si Mar. Ito si Paolo, na kung saan ay ginagawa ni Korina ang lahat upang masuportahan ito.

Assunta De Rossi

Ang asawa ni Assunta de Rossi na si Jules Ledesma ay biyudo na ng kanyang mapangasawa noong 2002. Si Jules ay may dalawang anak na sina Cristina at Julio Carlos, na talagang inaalagaang mabuti ni Assunta at mahal na mahal na parang tunay na anak.

error: Content is protected !!