Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang mga Artistang Nagmamay-ari ng Naggagandahan at Naglalakihang Mansyon

Isa nga sa hinahangad natin sa buhay ay ang magkaroon ng isang napakagandang bahay upang magsilbing tirahan at proteksyon natin. Ngunit, mas masarap sa pakiramdam kung ang bahay na ating magiging tirahan ay bunga ng ating pagsisikap sa buhay.




Kaya nga, tayo nagsusumikap sa buhay upang pagdating ng panahon ay maging maayos ang ating buhay at magkaroon ng isang napakalaki at gandang bahay kung saan tayo magiging masaya at komportable.

Marami nga sa mga sikat na artista ang nakapagpundar ng malalaki at magagandang bahay na bunga ng kanilang pagsusumikap. Isa-isa natin silang kilalanin ang mva artistang ito at ating silipin ang kanilang magagarbong tahanan.

John Lloyd Cruz’s Sprawling Family Home

Ang napakagandang tahanang ito ng pamilya ng aktor na si John Lloyd Cruz ay matatagpuan sa subdivison sa Antipolo City. French Mediterranean Structure at American ang interior design ng naturang bahay. Mas pinili naman ng aktor na may elegante at klasikong kombinasyon ang magiging kalabasan ng kanilang bahay. At makikita nga na talagang napakaganda ng bahay.

Manny and Jinkee Pacquiao’s Modern Tropical House in Forbes Park

Ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao ay hindi naman talaga maikakaila ang angking yaman. Kaya naman, hindi nakapagtataka kung nagmamay-ari sila ng 3 palapag na napakagandang mansyon sa Forbes Park, Makati City. Sa Forbes Park nga matatagpuan ang mga kahanga-hangang bahay ng mga mayayamang tao sa lipunan.

Kim Chui’s Modern Quezon City Home

Ang moderno at napakagandang bahay na ito ng aktres na si Kim Chui ay matatagpuan sa Quezon City. At noong 2011, nagpasya ang aktres na lumipat dito upang tirhan ang napakagandang bahay. May sukat itong 600 sqm corner lot kung saan ay matatagpuan sa isang exlusive subdivision sa Quezon City.

Vic Sotto

Kahanga-hanga rin ang disenyo ng napakagandang tahanan ni Bossing na matatagpuan sa loob ng isang exclusive village. Ang kanilang bahay nga ay may mataas na ceiling ng kanilang foyer na bubungad sayo sa pagpasok pa lang ng bahay. Napakaganda at lawak rin ng kanilang living area kung saan dito sila madalas magbonding ng kanyang pamilya.




The sakura pink-themed home of Kris Aquino

Kakaiba naman ang ganda ng bahay ni Kris Aquino dahil sa sakura pink na tema ng kanyang bahay. Ito nga ay bubungad na agad sa front door ng kanyang bahay. Kahanga-hanga naman ang obra ni Fernando Amorsolo kung saan ay mahusay na nilikha ang larawan ng dating Presidente at ina niyang si Cory Aquino na kung saan ay mas lalong nagpaganda ng kanyang tahanan.

Vice Ganda’s Luxurious house in Quezon City

Isang 3-storey house naman ang naging surpresa ni Vice Ganda sa kanyang ina na talaga namang nagustuhan nito. Ang bahay na ito ni Vice ay matatagpuan sa Quezon city kung saan ay may modernong disenyo at may sukat na 360meters.

Willie Revillame’s resort-like mansion in Tagaytay

Makapigil-hininga naman sa ganda ang mansyon ni Kuya Wil na matatagpuan sa Tagaytay. Bukod nga sa napakagandang disenyo ng mansyon na modern tropical structure, kahanga-hanga rin ang ganda ng tanawin na makikita rito. Talagang makakapag-relax ng husto sa napakagandang bahay na ito ni Kuya Wil.

The tropical-inspired mansion of Coco Martin in Quezon City

Ang mansyon namang ito ng aktor na si Coco Martin ay kanyang dream home na matatagpuan sa Quezon City. Napakalawak nga ng naturang bahay at umabot ito ng sukat na 2,000 sqm. Ito na nga ang pangalawa niyang bahay kung saan ay naisip niyang bilhin dahil sa hindi siya kontento sa unang bahay, kaya naman binili niya ang katabing lote upang magkaroon ng malawak na espasyo ang kanyang bahay.




error: Content is protected !!