Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang mga Artistang May Kahanga-hangang Kagandahan Kahit Walang Make Up

Isa nga sa puhunan ng mga artista sa showbiz ay ang kanilang magandang mukha. Malaki naman talaga ang epekto kung papasok ka sa showbiz ng may magandang mukha dahil agad kang nakikilala. Higit namang gumaganda ang kanilang mga mukha sa tulong ng make up. Ngunit, may mga artista na sadyang pinagpala sa pagkakaroon ng magandang mukha kahit walang gamit na make up.

Kamakailan nga, ay nauso ang no make up challenge na pinangunahan ng Miss Universe 2018 na si Catriona Gray, matapos niyang magpost ng “As She Is” challenge sa Instagram kung saan makikitang walang bahid ng make up ang kanyang mukha. Ang naturang post niyang ito ay nagdulot ng positibong reaksyon sa mga netizens maging sa mga Pinay celebrities.




Hindi naman maitatanggi na maraming Pinay celebrities sa showbiz ang biniyayaan ng magandang mukha kahit walang make up. Kaya naman, marami rin ang kumasa sa nasabing challenge. Isa isa nating kilalanin ang mga Pinay celebrities na kumasa sa challenge at ipinakita ang kanilang magagandang mukha ng walang gamit na make up.

Anne Curtis

Kilala nga ang “It’s Showtime” host na si Anne Curtis bilang Diyosa ng kagandahan. Kaya naman, hindi maikakaila na kahit wala siyang make up ay napakaganda pa rin ng kanyang mukha.

Bea Binene

Bata pa lang ang Kapuso actress na si Bea Binene ay nakita na ang kacutan nito. Kaya naman, nang magdalaga ay hindi maitatanggi na sadyang napakaganda nito kahit walang make up.

Glaiza de Castro

Fresh na fresh pa rin ang mukha ng aktres na si Glaiza kahit pa nag-eehersisyo ito. At makikita nga na kahit pawisan na ay napakaganda parin nito kahit walang make up.




Janine Gutierrez

Kahit walang make up ay napakaganda pa rin ng aktres na si Janine Gutierrez. Walang duda na nagmana nga ito sa kanyang inang si Lotlot de Leon sa kagandahan.

Julia Barretto

Isa nga si Julia sa mga pinalad na magkaroon ng magandang mukha kahit walang make up. Mula ang aktres sa nagagandahang angkan ng mga Barretto.

Kylie Padilla

May make up man o wala ang kanyang mukha ay sadyang napakaganda ng anak ni Robin Padilla na si Kylie.

Liza Soberano

Isa rin sa hinahangaang mukha sa showbiz na talagang napakaganda kahit walang make up ang natatanging kagandahan ni Liza Soberano.

Pia Wurtzbach

Hindi naman talaga maitatanggi ang karisma at ganda ng Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach kahit walang bahid ng make up ang kanyang mukha.




Sheena Halili

Ang Starstruck survivor naman na si Sheena Halili ay makikita na agad ang kagandahan sa kanyang kutis, ngunit higit namang kahanga-hanga ang kanyang napakagandang mukha kahit walang make up.

Sunshine Cruz

Isa mang hot mama sa kanyang tatlong anak, nananatili pa ring maganda si Sunshine kahit walang ginamit na make up sa kanyang mukha.

Kristine Reyes

Noon pa man ay marami na ang humahanga sa kagandahan ng FHM nominee na si Christine Reyes dahil talagang napakaganda nito kahit pa hindi nakamake up.

Yassi Pressman

Ang Kapamilya actress na si Yassi ay napakaganda rin kahit walang make at lutang na lutang pa rin ang natural nitong ganda.




Catriona Gray

Ang Miss Universe 2018 na si Catriona Gray ay talagang napakapalad na tila nasalo na ang lahat ng kagandahan. Bukod sa maganda at natural niyang katawan ay kahanga-hanga rin ang ganda ng kanyang mukha kahit walang make up.

Ang no make up challenge na ito na pinangunahan ng mga artista na may likas na kagandahan ay nagsilbing inspirasyon sa mga kababaihan na walang kumpyansa sa kanilang sarili upang ipagmalaki ang kanilang angking kagandahan kahit walang make up.

error: Content is protected !!