Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang mga Artistang ito na Natagpuan ang Pag-ibig at Kinumpirma ang Kanilang Relasyon noong Nakalipas na Taong 2020

Marami man ang nakaranas ng kasawian at kabiguan sa pag-ibig na nagdulot ng kalungkutan sa kanilang buhay sa nakalipas na taong 2020, ay mapalad naman ang ilan sapagkat kanilang natagpuan ang taong magpapatibok ng kanilang puso. At sa gitna nga ng pandemya, ay may mga pusong nabigyan ng kasiyahan sa kabila ng hirap na nararanasan.




Katulad na lamang nga ng mga artistang ito habang nasa loob ng kanilang tahanan ay mapalad na natagpuan ang isang tunay at wagas na pag-ibig. Dahil mga kilalang personalidad sa showbiz, ay napakahirap sa kanilang itago ang kanilang pribadong buhay, lalo na sa usapang love life. Kaya naman, buong tapang nilang kinumpirma ang kanilang relasyon upang malaman ng publiko.

Janella Salvador at Markus Paterson

Photo credits: Janella Salvador | IG

Matagal nang pinag-uusapan ng publiko ang pagkakaroon relasyon nina Janella at Markus, ngunit sa kabila nito ay itinatanggi ng dalawa ang namamagitan sa kanila. Hanggang sa lumipad patungong UK ang dalawa kung saan sila kasalukuyang naninirahan ngayon. Madalas makitang magkasama ang dalawa sa mga okasyon, kaya naman mas lalong lumakas ang hinala ng mga tagahanga ng Kapamilya celebrities ang totoong estado ng kanilang relasyon. At noong Setyembre ng nakaraang taon, ay kinumpirma na nga ng dalawa ang kanilang relasyon.

Catriona Gray at Sam Milby

Taong 2019 palang ay maugong na ang balita sa pagitan ng Miss Universe 2018 Catriona Gray at aktor na si Sam Milby. Marami ang nakakakita na madalas silang magkasama dahilan upang patunayan na may relasyon silang dalawa. Mariin naman itong itinatanggi ng dalawa, at sinabi na magkaibigan lamang sila.

At matapos lamang ang isang taon, sa mismong araw pagdiriwang ng ika-36th birthday ni Sam Milby, ay kinumpirma nito ang relasyon kay Catriona sa pamamagitan ng isang Instagram post kalakip ang larawan na sila’y magkasama.

Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey

Photo credits: Pia Wurtzbach | Instagram

Nagsimulang kumalat ang espekulasyon sa relasyon ng Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach kay Jeremy Jauncey nang mapansin ng mapanuring mata ng isang tagahanga ang post ni Pia sa kanyang Indonesia trip, ay pareho sa Beautiful Destinations Chief Executive Officer. At noong nakaraang June, ay inamin rin ni Pia ang kanilang relasyon sa isang exclusive interview sa Tatler Philippines.

Bela Padilla at Norman Ben Bay

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bela Padilla (@bela)

Ang aktres naman na si Bela Padilla, ay bukas na sa publiko ang pakikipagkita niya sa taong nagpapasaya sa kanya. Ito nga ay nang magtungo siya sa St. Gallen sa Switzerland upang magshooting para sa pelikulang Meet Me In St. Gallen. Sa loob ng dalawang taon, ay itinago ng aktres ang pagkatao ng taong nagpapasaya sa kanya. At noong nakaraang taong 2020, ay pinangalanan at inilantad na ng aktres ang katauhan nito, siya si Norman Ben Bay na nakasama niya sa kanyang bakasyon sa Cappadocia sa Turkey.




Ellen Adarna at boyfriend mula sa Spain

Ang mga tagahanga naman ni Ellen, ay tila nanghuhula sa estado ng kanyang relasyon sa lalaking nagngangalang Carlos Lemus, kung saan ay nakitang kayakap niya nang magbakasyon sa Spain noong nakaraang taon. At noong Abril sa panayam sa kanya ni Mo Twister sa Good Times with Mo, inamin ni Ellen na nasa isang long distance relationship siya na mula sa Spain, ngunit hindi nagbigay ng pangalan ang aktres.

Romnick Sarmenta at Barbara Ruaro

Isinapubliko naman ng aktor na si Romnick Sarmenta noong nakaraang taon, ang relasyon niya sa indie actress na si Barbara Rauro. Ang dalawa ay nalalapit nang maging magulang sa kanilang panganay na anak. Samantala, may 5 anak naman si Romnick sa dating asawa na si Harlene Bautista.

error: Content is protected !!