Connect with us

Uncategorized

Kilalanin Ang Mga Artista Sa Showbiz Na Masaya sa Piling ng Kanilang Non-showbiz Partner

Kakaibang saya at kilig ang hatid ng mga iniidolo nating artista na onscreen couple sa mga napapanood nating mga teleserye at pelikula. Ang ilan nga sa kanila ay nauwi pa sa tunay na buhay ang pag-iibigan. Ngunit, may ilan rin namang mas piniling maging masaya sa buhay kapiling ang kanilang mga non-showbiz partner. Kilalanin ang mga artista sa industriya ng showbiz na masaya sa piling ng kanilang non-showbiz partner.

Andi Eigenmann

Photo credits: instagram

Masayang-masaya nga ngayon sa buhay ang dating aktres na si Andi Eigenmann sa piling ng kanyang fiancee na si Philmar Alipayo. At ang kanilang nabuong pamilya ay masayang naninirahan ngayon sa isla ng Siargao. Noong December 2020 nang maengaged si Andi sa kanyang non-showbiz partner na si Philmar na isang champion surfer. Ang masayang pagsasama nina Andi at Philmar ay biniyayaan ng dalawang supling, sina Lilo at Koa. Maliban sa kanyang dalawang anak kay Philmar, ay may anak pa si Andi sa kanyang dating nobyo na si Jake Ejercito, si Ellie.

Sofia Andres

Photo credits: instagram

Ang aktres na si Sofia Andres ay masaya naman sa piling ng kanyang boyfriend na si Daniel Miranda, isang car racer na nakilala ng aktres noong taong 2017 sa isang bar sa Taguig. Ang kanilang pagmamahalan ay biniyayaan ng isang napakacute na baby girl na si Zoe Natalia na isinilang ni Sofia noong November 2019.

Ryza Cenon

Photo credits: instagram

Isang filmmaker naman ang nagbibigay saya at kulay sa buhay ng aktres na si Ryza Cenon. At ang kaligayahan na hangad ni Ryza ay natagpuan niya sa kanyang non-showbiz partner na si Miguel Antonio Cruz. Biniyayaan naman ng isang sanggol ang kanilang pagsasama na isinilang ni Ryza noong October 2020, siya nga si Baby Night.

Photo credits: instagram

Si Miguel ay University of Southern California at kumuha rin ng cinematography workshops sa Rockport, Maine.

Bianca King

Photo credits: instagram

Photo credits: instagram

Happily married naman ngayon ang aktres na si Bianca King sa piling ng kanyang non-showbiz husband na si Ralph Wintle. Sila ay ikinasal noong June 2021 at masayang naninirahan ngayon sa Sydney magmula noong August 2020. Si Ralph ay kapatid ni Ben Wintle na asawa ng aktres na si Iza Calzado.

JC De Vera

Photo credits: instagram

Kamakailan lamang nang mapabalita ang pag-iisang dibdib ng aktor na si JC De Vera at non-showbiz wife nitong si Rikka Cruz. Ang newly wed ay ikinasal sa pamamagitan ng church wedding ceremony na dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan. Matatandaan naman na nauna nang ikinasal si at Rikka sa isang civil wedding ceremony tatlong taon na ang nakakaraan. Ang kanilang pagmamahalan ay biniyayaam ng isang anak na babae na ngayon ay tatlong taong gulang na, si Lana Athena.

error: Content is protected !!