Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang mga Artista na Mayroong mga Kasintahan na Maliban sa Popular ay may Taglay pa na Yaman

May ilang mga celebrity nga naman ang talagang kinaiinggitan hindi lamang dahil sa kanilang taglay na kasikatan at angking kagandanhan. Ito ay dahil tila nga nasa kanila na ang lahat, karangyaan ng buhay, kagandahan at kagwapuhan, magandang karera sa buhay at samahan pa nga ito ng milyonaryo at bilyonaryo nilang mga kasintahan.

Narito nga at kilalanin natin ang ilan sa mga artista at ang kanilang mga mega sa yamang mga kasintahan.

1. Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey

Kamakailan lamang ay inamin ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang kanilang romantic relationship ng sikat na foreigner businessman at social media influencer na si Jeremy Jauncey. Ang 34-taong gulang na nga na si Jeremy ay isang half Scottish – half Columbian millionaire na isang entrepreneur, investor at social media mogul.

Siya lang naman ang founder at CEO ng sikat at maimpluwensyang kumpanya na Beautiful Destination, isang multi-platform at highly respected travel brand sa mundo.

Kitang-kita nga sa buhay ni Jeremy kung gaano karangya ang buhay nito, kung saan ay madalas nga itong nagta-travel sa iba’t ibang bansa kasama ang kanyang GF na si Pia.
Sa ngayon nga ay mayroon ng mga branches sa iba’t ibang bansa ang kumpanya ni Jeremy, kaya naman talagang masasabi natin na isa itong milyonaryo.

2. Sofia Andres at Daniel Miranda

Ikanagulat ng marami ng sabihin ni Sofia sa publiko na siya ay mayroon ng anak, at ang ama nga nito ay ang kanyang kasintahan na talaga namang ubod sa yaman dahil ito ay walang iba kundi sang 23-taong gulang na si Daniel Lhuillier Miranda, na mula sa isang napakayamang angkan sa Cebu.

Si Daniel ang apo ni Philip Lhuillier ang chairman ng pinakamalking pawnshop sa Pilipinas na Cebuana Lhuillier. Sa soba ngang yaman ng pamilya, ay napakarami nilang mansion, isa na nga rito ang Placio de Memoria isa seven story luxury mansion na mayroon pa ngang eroplano na naka-park sa bakuran nito.

3. Zsa Zsa Padilla at Conrad Onglao

Ang kasintahan at partner nga ngayon ng singer-actress na si Zsa Zsa Padilla na si Conrad Onglao ay isa sa mga sikat, popular at mayayamang arkitekto na siya ngang kinukuhang architect ng mga mayayamang tao sa Pilipinas, gaya na lamang ng mga Ayala, Magsaysay, Ho at Marcos’es’

Siya rin ang nagdesenyo ng isa sa mga Presedential residences sa Malacaňang at ang interior design ng presidential plane.
Makikita nga naman sa kanyang mga naglalakihang mansyon na siya mismo ang nagdisenyo kung gaano karangya ang pamumuhay niya. Mayroon din siyang malalawak na farmhouse na pag-aari.

4. Erich Gonzales at Mateo

Ang boyfriend ni Erich ay isang mayamang businessman na si Mateo Lorenzo, na mula sa mayamang angkan ng mga Lorenzo sa Davao. Ang ama nga ng binata ay ang billionaire business mogul na si Martin Lorenzo na nagmamay-ari ng iba’t ibang malalaking negosyo at kumpanya sa loob at labas ng bansa.

Sa sobra ngang yaman ng pamilya ni Mateo ay mayroon pa ngang lumabas na balita na sinundo nito si Erich sa isang taping gamit ang isang private plane.

5. Claudia Barretto at Basti Lorenzo

Sa kasalukuyan ay in a romantic relationship ang actress-model na si Claudia Barretto kay Basti Lorenzo, anak ng isang bilyonaryo. Siya lang naman kasi ang nakababatang kapatid ng boyfriend ni Erich Gonzales na si Mateo Lorenzo.

Ayon nga Wallstreet Journal ang kanyang ama na si Martin Lorenzo ay ang head at owner ng labingwalong iba’t ibang malalaking kumpanya sa Pilipinas at iba’t ibang bansa.

6. Alex Gonzaga at Mikee Morada

Mula rin sa isang mayamang angkan ang napangasawa ng showbiz personality na si Alex Gonzaga, ang kanyang napangasawa ngang si Mikee Morada ay mula sa mayaman at ma-impluwensyang pamilya ng mga Morada sa Batangas. Sila ay nagmamay-ari ng ilang mga negosyo, tulad ng world bank, agriculture, real state at iba pa.
Kilala din ang pamilya ni Mikee na maimpluwenysang political clan, kung saan siya nga ay councilor na rin ngayon sa Batangas.

error: Content is protected !!