Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang mga Artista na Matapang na Pumasok para maging Reservist ng Philippine Army, Navy, Airforce ng ating Bansang Pilipinas

Ang paglilingkod at pagtatanggol sa ating bayang sinilangan ay isang napakarangal na trabaho at katungkulan. Kaya naman ilan sa ating mga kilalang personalidad sa showbiz ang hindi pinalampas na tugunan ang panawagan na pagserbisyuhan ang ating bayan sa oras ng pangangailangan.

Narito nga ang ilan sa mga artista na dumaan sa napakatinding training upang makapasok sa Arm Forces of the Philippines bilang mga sundalo at reservist.

1. JM de Guzman

Ang Kapamilya star na si JM de Guzman ay isa ring reservists ng Philippine Air Force.

Photo credits: google.com

2. Rocco Nacino

Ang Kapuso actor na si Rocco Nacino ay nagtapos ng kanyang Basic Citizen Military Training noong 2019. Siya ngayon ay isa ng Petty Officer ng 3rd class ng Philippine Navy Reserve Command.

Photo credits: google.com

3. Ronnie Liang

Maliban sa kanyang pagiging isang piloto ay isa na ring miyembro ngayon ng Philippine Army ang singer na si Ronnie Liang. Hawak niya ang ranggong Second Lieutenant of Philippine Army Reservist.

Photo credits: google.com

4. Beauty Gonzales

Dumaan naman sa matinding training ang Kapamilya actress na si Beauty Gonzales para maging reservist ng Philippine National Police Aviation Security Group.

Photo credits: google.com

5. Dingdong Dantes

Bagay na bagay ang role ng Kapuso Actor na si Dindong Dantes na isang sundalo sa Descendants of the Sun. Dahil sa tunay na buhay ay isang Lieutant Commander ang aktor sa Philippine Navy.

Photo credits: google.com

6. Kiko Estrada

Kasama naman ni JM de Guzman na nagtraining si Kiko Estrada para maging isang Philippine Air Force reservists.

Photo credits: google.com

7. Gerald Anderson

Isa ding reservist ng Philippine Army ang Kapamilya actor na si Gerd Anderson. Maliban dito ay isa rin siyang Auxiliary Officer bilang isang Lieutenant ng Philippine Coast Guard.

Photo credits: google.com

8. Vilma Santos

Tunay nga namang Star for All Season ang aktres na si Vilma Santos. Maliban kasi sa kanyang pagiging isang aktres at politician ay isa din siyang lieutenant colonel ng Philippine Air Force.

9. Hervert Bautista

Ang dating aktor na ngayon ay isa ng politician na si Herbert Bautista ay may ranggong Brigadier General sa Philippine Army.

Photo credits: google.com

10. EJ Falcon

Matagal na umanong pangarap ng aktor na si EJ Falcon na maging isang army o sundalo. At ito nga ay kanya ng nabigyan ng katuparan dahil ngayon siya ay isa ng reservist ng Philippine Air Force.

Photo credits: google.com

11. Isabel Granada

Bago pumanaw ang aktres na si Isabel Granada ay isa siyang aktibong personnel ng Philippine Air Force na may ranggong Reservists Air Woman Second Class.

Photo credits: google.com

12. Tito Sotto

Ang TV host turned politician na si Tito Sotto ay may ranggong Lieutenant Colonel sa Philippine Reserve.

Photo credits: google.com

13. Matteo Guidicelli

Ang Kapamilya actor at asawa ni Sarah Geronimo na si Matteo Guidicelli ay isang reservists ng Philippine Army na may ranggong Second Lieutenant ng Armed Forces of the Philippines.

Photo credits: google.com

14. Manny Pacquiao

Hawak naman ng celebrity turned politician na si Manny Pacquiao ang pinakamataas na ranggo para sa mga enlisted personnel na Master Sergeant sa Armed Forces of the Philippines magmula pa noong 2007.

Photo credits: google.com

Na-promote naman siya bilang isang Full Colonel ng Philippine Army noong 2017.

15. Christopher De Leon

Isa ding military reservist ang 64-taong gulang na aktor na si Christopher De Leon. Siya ay may ranggong Chief Petty Officer sa Philippine Navy.

Photo credits: google.com

16. Diether Ocampo

Ang dating matinee idol na si Diether Ocampo ay isang lieutenant commander ng Philippine Coast Guard Auxiliary.

Photo credits: google.com

17. Wynwyn Marquez

Ang actress-beauty queen na si Wynwyn Marquez ay isang kasapi ng Philippine Navy bilang isang reservists.

Photo credits: google.com

18. Arci Muňoz

Isa namang sergeant sa Philippine Air Force Reserve ang Kapamilya actress na si Arcie Muňoz.

Photo credits: google.com

error: Content is protected !!