Connect with us

Entertainment

Kilalanin Ang Mga Anak Ni Regine Tolentino Na Nagmana Sa Kanyang Taglay Na Kagandahan at Kaseksihan

Ang tinaguriang “Dance Diva” na si Regine Tolentino, ay hindi naman talaga maikakaila ang taglay na ganda at kaseksihan. Sa kanyang edad nga na 43, ay lutang na lutang parin ang kanyang ganda at magandang hubog ng katawan.

Maliban naman sa pagiging isang aktres at dancer, ay isa ring hands on mom si Regine sa kanyang tatlong anak na pawang mga babae. At sa programang Magandang Buhay nga ay ipinakilala ni Regine kanyang mga anak na namana ang kanyang taglay na kagandahan.

Ang mga pangalan ng kanyang tatlong anak na babae ay hango sa kanyang pangalan na “Regine” kung saan ay pinagbaligtad-baligtad niya lamang. Ang panganay na si Azucena Reigne, ay 23 taong gulang, si Alyssandra Reigen naman ay 21 taong gulang habang ang bunso niya namang si Rosie Rignee ay magdadalawang taong gulang na.

Ang dalawang anak ni Regine na sina Reigne at Reigen, ay anak ni Regine sa kanyang dating asawa na si Lander Vera Perez. Habang ang ama naman ni Rosie Rignee ay hindi pa ibinubunyag ng aktres sa pubiko. Bagama’t magkakaiba ang kanilang ama, ay malaki naman ang pagkakahawig ng magkakapatid sa kanilang ina.

Makikita naman sa mga larawang ibinabahagi ng mahusay na dancer sa social media na ang kanyang dalawang anak na sina Reigne at Reigen ay ubod ng ganda at seksi tulad ng kanilang ina. Ang bunsong si Rignee naman ay napakacute na kung saan nga ay madalas silang naka-twinning OOTD ng kanyang Mommy Regine. Hindi nga maiwasan ng mga netizens na panggigilan ang kacutan ni Rosie Rignee sa kanyang suot na magaganda at makukulay na OOTD. Matatandaan naman na bininyagan noong nakaraang taon si Rosie Rignee sa Mount Carmel Parish Church sa Quezon City.

Samantala, naitanong naman kay Regine ang tungkol sa samahan ng kanyang tatlong anak. Kwento nga ni Regine, ay masaya ang samahan ng tatlo niyang anak. Bukod kasi sa nakakatulong na niya ang kanyang dalawang dalagang anak sa kanilang negosyo, ay naaasahan na rin niya ang mga ito sa pag-aalaga sa kanilang bunsong kapatid na si Rosie Rignee.

Hindi naman na lingid sa kaalaman ng publiko na matagal bago nasundan ang pangalawang anak ni Regine. At halos nga 20 taon ang agwat nito sa bunso niyang si Rosie Rignee. Kaya naman, ayon kay Regine ay “We are all Mommies at home”. Dahil nga mga dalaga na ang kanyang dalawang anak ay talagang naaasahan na niya ito sa lahat ng bagay. Kwento pa ni Regine ay kaedad niya ang kanyang panganay nang siya’y unang magbuntis.

Pagdating naman sa parenting style sa kanyang mga dalagang anak, ay sinabi ni Regine na gumagamit siya ng “reverse psychology”. Ibig sabihin nga nito, sa tuwing pinagbabawalan niya ang kanyang mga anak, sa halip na pagbawalan ay kabaligtaran ang sinasabi niya sa mga ito. At tila epektibo naman ito dahil sa huli ay pinipili ng kanyang mga anak na gawin kung ano ang tama.

error: Content is protected !!