Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang Mala-Artistahin at Good-Looking na mga Anak ng Aktor na si Jestoni Alarcon na Nagmana sa Kanya

Si Anthony Alarcon sa tunay na buhay at kilala rin bilang si Jestoni Alarcon sa industriya ng showbiz ay isang batikang aktor. Naging matinee idol si Jestoni noong dekada 80 hanggang 90. Hindi naman ito nakapagtataka dahil talaga namang kahanga-hanga ang kanyang pagiging magandang lalaki.

Hindi naman nagpapahuli si Jestoni sa kanyang husay pagdating sa pag-arte. Ilan nga sa kanyang mga naging proyekto na kanyang ipinamalas ang kanyang husay ay “Ang Lihim ng Golden Buddha” noong 1989, “Makapiling Kang Muli” noong 2012 at Encantadia noong 2016.

Photo credits: Jestoni Alarcon | IG

Maliban sa pagiging isang mahusay na aktor sa showbiz, ay pinasok rin ni Jestoni ang mundo ng politika. Noong early 2000, ay naging Councilor siya ng Antipolo City at naging Vice Governor rin ng probinsya ng Rizal. Dahil sa ipinakitang husay sa pamamalakad sa kanyang nasasakupan ay naging board member rin siya ng 1st District ng Rizal sa loob ng dalawang termimo.

Photo credits: Jestoni Alarcon | IG

Hindi lamang nga karera sa showbiz at politika naging matagumpay si Jestoni, dahil maging ang kanyang marraige life ay matagumpay rin kung saan puno ng saya at pagmamahal. Pinakasalan ni Jestoni ang kanyang napakagandang misis na si Lizette Capili na isang dating modelo sa Los Angeles, California. Ang kanilang masayang pagsasama sa loob ng halos 26 na taon ay biniyayaan ng tatlong anak, sina Jessica, Angela at Anthony.

Photo credits: Jestoni Alarcon | IG

Ang tatlong anak na ito ng batikang aktor, ay hindi maikakaila ang angking katangian na pawang mala-artistahin at good-looking. Walang duda nga na ang mga magaganda at gwapong anak na ito ni Jestoni ay nagmana sa kanilang mag-asawa ng magandang katangian.

Photo credits: Jestoni Alarcon | IG

Ang dalawang babaeng anak ni Jestoni na si Jessica at Angela, ay pawang magaganda na nagmana ng kagandahan sa kanilang ina. Ngunit, maraming netizens ang nagsasabi na mas malakas raw ang appeal ni Jessica kesa sa kanyang kapatid. Si Jessica ay nagtatrabaho sa medical field samantalang si Angela naman ay isang student-athlete sa University of the Philippines Diliman kung saan siya ay may angking galing sa sport ma taekwondo. Ang nag-iisang anak na lalaki naman ni Jestoni na si Anthony ay nakuha naman ang magandang katangian ng kanyang ama.

Photo credits: Jestoni Alarcon | IG

Bagama’t, isang bukas na libro sa publiko ang buhay ng kanilang mga magulang sa social media, ay mas pinili parin ng magkakapatid na manatiling pribado ang kanilang buhay at hindi gaanong nagbabahagi ng detalye patungkol sa kanilang sarili. Hindi naman maiwasan ng magkakapatid na mapansin ng mga netizens dahilan nga para dumami ang kanilang mga followers.

Photo credits: Jestoni Alarcon | IG

Sa kabila ng pagiging pribado ng magkakapatid sa kanilang buhay, ay maraming netizens naman ang umaasa na balang-araw ay makita rin nila ang mga ito na sumunod sa yapak ng kanilang ama sa showbiz upang mag-artista.

error: Content is protected !!