Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang Lalaking Nagbibigay Saya at Kulay sa Buhay ng Wowowin Co-host na si Herlene “Hipon” Budol

Magmula nga maging co-host ng Wowowin si Herlene Budol o mas kilala ng lahat bilang “Hipon Girl”, ay talagang ipinamalas niya ang kanyang husay bilang host ng programa.

Sa kanya ngang karisma at ganda ay maraming humahanga. Hindi lamang nga ito, dahil ang kanya ring pagiging masayahin, kwela at pagiging totoo sa sarili sa harap ng mga manonod, ay higit na hinahangaan.




Kabilang na nga sa mga masugid na tagahanga ni Hipon ang US Navy na si Patrick Bolton. At kamakailan nga, ay bumisita sa programa ng Wowowin upang makita at masilayan ang napakagandang si Hipon. At sa kanilang pagtatagpo ay napuno ng kilig ang mga manonood ng programa.

Marami sa mga tagahanga ni Hipon, ang nais si Patrick para sa kanya. Ngunit, lingid sa kaalaman ng marami, ay may tao nang nagpapaligaya kay Hipon. Ito nga ang kanyang boyfriend na Xam Troy Bello. At sa piling ng kanyang boyfriend ay nakamit ni Hipon ang minimithing saya, at kilig na hinahanap ng kanyang puso.

Hindi naman maitatanggi na mahal na mahal ni Hipon ang nobyong si Xam. At noong nakaraang taon buwan ng Nobyembre, sa Instagram ay nagpaabot ng isang napakasweet na mensahe si Hipon sa pagdiriwang ng birthday ng kanyang boyfriend.

At ng nga sandaling iyon, ay proud na inamin ni Hipon sa publiko, na may nobyo na siyang nagbibigay saya at kulay sa buhay niya. At ang kanilang relasyon ay hindi lamang pang-TV kundi pang reality.

Saad nga ni Hipon sa kanyang post, ay talagang true love ang kanilang pag-iibigan.

“MAY BOYFRIEND AKOOOOOO HINDI PANG TV PANG REALITY [red heart emoji] TRUE LOVE.”

Dagdag pa nga ng Wowowin co-host, ay ito ang nagbibigay ng kilig sa kanyang puso. Nagpasalamat rin si Hipon sa kanyang nobyo dahil ito ang nagbibigay saya at nagsisilbi niyang inspirasyon.




“Walang kilig na makakatumbas sa araw araw mong dulot. Sana maging masaya lang tayo.. salamat sa pagpapasaya at pagiging inspirasyon nandito lang ako palagi para sayo MAHAL NA MAHAL KITA MY BEBELOVES Exam Troy Bello [more red heart emoji].”

Makikita nga na talagang masaya si Hipon sa piling ng kanyang boyfriend. Ang tunay na pag-ibig ay kanyang nasumpungan sa katauhan ng kanyang boyfriend. At ang saya nga na hatid ng nobyo sa kanyang buhay, ay nakikita sa pagiging masayahin niya sa programa ng Wowowin. Dahil nga dito, ay nakapagbibigay saya rin si Hipon sa mga manonood.

Matatandaan na unang nakilala si Hipon nang maging kalahok sa segment ng Wowowin na Willie of Fortune. At ngayon nga, ay sikat na sikat na si Hipon hindi lamang bilang co-host ng Wowowin, kundi isa na ring singer ng kanyang sariling single na “Talikodgenic” na ginawa ni Lito Camo.

error: Content is protected !!