Connect with us

Entertainment

Kilalanin Ang Kapatid Ng Aktor Na Si Joshua Garcia Na Taglay Ang Mala-artistahing Kagandahan

Sa kanyang husay at natatanging talento sa pag-arte ay hindi na nakapagtataka kung ang aktor na si Joshua Garcia ay isa sa pinakasikat na artista sa showbiz ngayon. Marami nga ang talagang humahanga hindi lamang sa kanyang husay sa pag-arte kundi maging sa taglay niyang kagwapuhan.

Photo credits to the owner

Matatandaan na unang nakilala si Joshua sa industriya ng showbiz matapos niyang mapabilang sa reality show na Pinoy Big Brother: All In noong 2015. Hindi man naiuwi ang titulo bilang Big Winner sa kompetisyon, ay naging daan naman ito para kay Joshua na mabigyan ng pagkakataon sa showbiz.

Photo credits to the owner

At matapos ngang lumabas sa Bahay ni Kuya, ay pinatunayan niya ang kanyang sariling kakayahan sa pag-arte kung saan nga ay bumuhos ang biyaya at proyekto sa kanyang karera. Mas lalo namang sumikat ang aktor nang maging katambalan niya sa pelikula at teleserye ang aktres na si Julia Barretto. Sa kanilang magandang samahan at kilig na hatid sa mga manonood ay talagang tinangkilik ang kanilang mga pinagsamahang proyekto.

Photo credits to the owner

Ngayon nga ay patuloy na namamayagpag ang karera ni Joshua sa industriya ng showbiz. At masasabi nga na talagang malayo na ang narating niyang tagumpay. Sa likod naman ng kanyang tagumpay ay damang-dama naman ni Joshua ang mainit na pagmamahal at pagsuporta ng kanyang pamilya.

Katulad na lamang nga ng ipinapakitang pagsuporta sa kanya ng kanyang nakakatandang kapatid na si Lorenza Mae. Upang ipakita ang pagsuporta kay Joshua ay palagi itong nasa tabi niya at hindi nagdadalawang isip na samahan siya kahit sa taping o shooting ng kanyang proyekto.

Photo credits to the owner

Para nga sa pangarap, ay todo ang pagsuporta ni Lorenza Mae kay Joshua. Palagi ring nasa back stage ang ate ni Joshua upang tulungan siya. Hindi lamang ito, dahil kung ang pag-uusapan nga ay masugid na tagahanga ng aktor, ay nangunguna riyan si Lorenza Mae na miyembro rin ng fan base ni Joshua at talagang avid fan ng kanyang kapatid.

Samantala, hindi lamang si Joshua ang may taglay na artistahing looks sa kanilang pamilya. Dahil maging si Lorenza Mae ay may kahanga-hangang ring kagandahan. At sa mala-artistahing kagandahan taglay nito ay marami ang nagsasabi na maaari rin itong pumasok sa showbiz gaya ng kanyang kapatid na si Joshua.

Photo credits to the owner

Maliban naman sa pagiging mapagmahal at supportive na ate, ay isa ring butihin at mapagmahal na ina si Lorenza Mae sa kanyang anak na si Skyler. Abala rin siya sa kanyang trabaho bilang isang tech dermatologist sa isang skin care cosmetic clinic.

Photo credits to the owner

Tila nga napakapalad ni Joshua sa pagkakaroon ng isang ate na tulad ni Lorenza Mae. Isang ate na ipinapakita ang pagmamahal at pagsuporta sa pangarap ng kanyang kapatid na si Joshua. At ang bagay na ito nga ay higit na kailangan ng isang artista na tulad ni Joshua na madalas maharap sa mga pagsubok.

error: Content is protected !!