Kilalanin ang Kakambal ni Jinkee Pacquiao na Kasing Ganda at Glamoroso nito

Kasabay ng pagsikat ng idolo ng marami na si Manny ‘Pacman’ Pacquiao, ay sinubaybayan din ang kwento ng mga taong malapit sa kanya. Kasama na dito ang kanyang maybahay na si Jinkee Pacquiao.

Marami ang humahanga sa glamorosong pananamit Jinkee. Matapos nga ang tagumpay ng asawa na Pambansang kamao sa boxing at maging sa Senado, naging marangya na ang kanyang pamumuhay. Siya ay sumikat sa kanyang Fashion Style at isa na nga sa tinuturing na Fashion Icon ng mga Filipino sa kasalukuyan.



Bagama’t alam ng madami na siya ay may kakambal, marami pa rin ang nagugulat sa tuwing isya ay lumalabas kasama ito at namamangha hindi lamang sa kanilang pagiging magkamukha kung hindi din dahil kagaya ng kakambal ay kahahanga hanga din ang kanyang pananamit.

Siya ay si Janet Jamora, ang identical twin ni Jinkee Pacquio. Dahil sa pagiging kambal ni Jinkee, madalas nga umano ay napagkakamalan siya na si Jinkee dahil na din sa madalas nilang pamamasyal nang magkasama. Marami ding pagkakataon na sila ay ‘Twinning’ sa pananamit at ang kanilang mga larawan na magkasama ay nagtetrending sa Netizens.

Sinusubaybayan ng mga Followers ni Jinkee ang kanyang mga post sa Social Media kung saan nya ipinapakita ang kanyang mga OOTDs tampok ang kanyang mga mamahaling bag, sapatos, alahas at damit. Nakikita sya ng marami kasama ang kanyang kakambal na si Janet na binibili ng mga Branded na gamit na ito at kanilang gagamitin. Sa pag-asenso ni Jinkee ay hindi nya kinalimutan ang pamillya pati na din ang kakambal.

May mga hindi man pagkakaunawaan minsan, kagaya ng ibang magkakapatid, ay agad din namang nagkakasundo ang dalawa. Lagi silang naglalaan ng oras upang sila ay magkasama.



Naaala pa nila kung paanong hilig ng kanilang Ina na pagsuotin din sila nuon ng magkakulay at parehong style na mga kasuotan. Kaya nga hanggang sa ngayon ay makikita pa din ang pagkakapareho ng Fashion Style ng dalawa na pareho ding hinangaan ng marami.

Proud si Janet sa kanyang kakambal na si Jinkee. At ganun din naman si Jinkee kay Janet. Tunay na inspirasyon sila ng pamilyang Pilipino.

Na sa hirap at tagumpay ay manatiling magkasama parati na sinusuportahan ang isa’t isa.