Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang Future Beauty Queen na Anak nina John Estrada at Priscilla Meirelles

Kadalasan, hinahangaan ng mga anak ang propesyon ng kanilang mga magulang. Nagiging inspirasyon nila ito at kalaunan ay sumusunod sila sa yapak ng kanilang mga magulang.

Tiyak namang buo ang suporta ng mga magulang sa kanilang mga anak. Halimbawa na lang dito ay ang mga bagong henerasyon ng mga aktor at aktres ngayon. Ang ilan sa kanila ay mga kamag-anak ng mga dating artista sa industriya.

Photo credits: John Estrada | IG

Hindi rin malayong mangyari ito sa napakagandang anak ng celebrity couple na sina John Estrada at Priscilla Meirelles. Isang aktor si John samantalang dating beauty queen at model naman si Priscilla. Ikinasal ang dalawa noong February 2011. Ngayon ay mayroon na silang 10 taong gulang na anak na si Anechka.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by John Estrada (@john__estrada)

Bagamat 10 taong gulang pa lamang, makikitang nakuha ni Anechka ang kaniyang kagandahan sa kaniyang mga magulang. Hindi na rin nakapagtataka kung balang-araw ay sumunod siya sa yapak ng kaniyang mga magulang at maging isang aktres, modelo, o beauty queen.

Photo credits: John Estrada | IG

Sa isang episode ng Kapamilya TV show na Magandang Buhay unang ipinakilala ni Priscilla ang kaniyang anak. Makikitang sa murang edad pa lamang ni Anechka ay komportable na siya sa harap ng camera. Ayon kay Anechka, excited siya na maging guest ng show. Nagustuhan din daw niya ang studio.

Photo credits: John Estrada | IG

Positibo at may kumpiyansa rin naman niyang sinagot ang tanong kung nais niyang maging artista sa hinaharap. Bukod sa pagiging celebrity-material ng bata, napansin din ng mga netizens na hindi imposibleng maging beauty queen si Anechka. Bagay na bagay dito ang pagiging beauty queen lalong-lalo na sa mga litrato nito sa social media na may suot na tiara.

Dagdag pa rito, may magandang pag-uugali si Anechka gaya ng kaniyang mga magulang. Napaka-close at may magandang relasyon din ang mag-ina. Sa katunayan, inamin ni Priscilla na ang pagiging nanay ang isa sa mga pinakamagandang nangyari sa kaniyang buhay. Ipinakita rin nila ang kanilang bonding sa pamamagitan ng pagluluto ng Brazillian dessert.

Photo credits: John Estrada | IG

Dahil sa magandang pag-uugali at kagandahan ni Anechka, walang duda na magiging matagumpay ito sa anumang propesyon na kaniyang mapili. Wala ring duda na magiging buo ang suporta sa kaniya ng kaniyang mga magulang. Sigurado ring aabangan at susuportahan ng mga tao ang kaniyang magiging karera.

error: Content is protected !!