Si Brian McKnight ay isang sikat na singer-songwriter at musician. Kilala siya hindi lamang sa America kundi pati na rin sa buong mundo dahil sa kaniyang napakagandang boses. Ilan sa mga kilala niyang kanta ay ang “Back at One”, “6,8,12”, at “One Last Cry”.
CREDITS: Brian McKnight | IG
Tumutugtog din siya ng iba’t ibang musical instruments tulad ng guitar, piano, bass guitar, trombone, percussion, flugelhorn, tuba, at trumpet. Ibinahagi niya na matagal niya nang pangarap ang makapag-perform sa iba’t ibang bansa at gumawa ng mga kanta na magugustuhan ng mga tao. Mapalad siya at naabot na niya ito ngayon.
CREDITS: Brian McKnight | IG
Noong 2016, nagkaroon ng pagkakataon ang mga lokal na mang-aawit gaya nina Gary Valenciano, Martin Nievera, Regine Velasquez, at Kyla na magkaroon ng kolaborasyon kasama si Brian. Pinuri naman ni Brian ang talento ng mga ito.
CREDITS: Brian McKnight | IG
Nagdaos rin siya ng ilang concerts dito sa bansa. Ayon sa kaniya, kasama ito sa selebrasyon ng wedding anniversary niya at ng kaniyang asawa. Matatandaang ikinasal si Brian noong 2017 sa kaniyang asawa na si Dr. Leilani Malia Mendoza, isang Filipina-American. Ikinasal ang dalawa sa Oheka Castle Hotel & Estate sa Huntington, New York.
Photo Credits to the owner
Makikita ang social media account ng singer na punong-puno ng litrato nila ng kaniyang asawa. Hindi rin niya pinalagpas ang pagkakataon na magbahagi ng napaka-sweet na mensahe para kay Leilani sa kanilang wedding anniversary.
Photo Credits to the owner
Ipinagmamalaki rin niyang binahagi ang ilan sa magagandang alaala at importanteng okasyon ng kanilang masayang pamilya. Mapapansin din na malapit si Brian sa pamilya ni Leilani. Kitang-kita sa mga litrato na ito kung gaano kasaya at katatag ang kanilang relasyon bilang mag-asawa.
Photo Credits to the owner
Dagdag pa rito, dahil sa kaniyang asawa, mas lalo raw na minahal ni Brian ang Pilipinas lalo na ang mga Filipino food.
Kwento niya, “Being married to a Filipina is a fantastic thing. My love for Filipino food has gone through the roof.”
Photo Credits to the owner
Bukod dito, nagpapasalamat rin daw siya sa mga fans niya sa bansa na patuloy pa rin ang suporta sa kaniya lalo na sa kaniyang mga kanta na nailabas tatlong dekada na ang nakakaraan. Natutuwa rin daw siya tuwing nagagamit ang kaniyang kanta sa mga okasyon gaya ng kasal.