Connect with us

Entertainment

Kilalanin Ang Dating Mga Sikat Na Child Star Na Tuluyang Iniwan Ang Mundo Ng Showbiz

Maliban sa mga nakakakilig na love team sa industriya ng showbiz, isa rin sa talagang kinagiliwan ng pubiko sa panonood ng telebisyon ay ang mga bibo at napakacute na mga batang artista. Sila nga ay talagang naghatid sa atin ng saya lalo na nga’t nakakatuwa naman talaga ang kanilang taglay na talento at napakacute na mukha.

Marami ngang mga sikat na child star sa showbiz ang talagang namayagpag ang karera. Ngunit, sa kabila nga nito ay dumating rin sa puntong nagpasya silang lisanin ang mundo ng showbiz. May ilan nga na ipinagpatuloy ang pag-aaral at nagdesisyon na bagohin ang landas na tatahakin. May iba naman na may personal na dahilan kung bakit nagpasyang lisanin ang showbiz.

Ngunit, anuman man nga ang kanilang dahilan sa pag-alis sa kanilang karera sa gitna ng kasikatan, ay hindi naman maikakaila na ang kanilang masasayang alaala sa mga pelikula at proyekto na kanilang ginawa ay nananatili parin sa puso’t isipan ng kanilang mga tagahanga.

Ating kilalanin ang dating mga sikat na child star sa industriya ng showbiz na nagpasyang iwan nang tuluyan ang mundo ng showbiz.

Ella Guevara

Credits: Starcinema

Ang cute at bibong bata na si Ella Guevara ay unang nakilala ng publiko sa reality talent show na StarStruck sa Kids edition nito. Hindi man nga nagwagi sa kompetisyon, ay bumuhos naman ang proyekto sa karera ng dating child star. Mula taong 2004 hanggang 2014, ay talagang namayagpag ang karera ni Ella. Ngunit, sa huli ay nagpasya siyang iwan na ang showbiz.

Jiro Manio

Credits: Starcinema

Isa sa talagang hinangaang child star noon ay si Jiro Manio. Dahil nga sa kanyang taglay na husay sa pag-arte, ay ilang ulit siyang nakatanggap ng parangal. Nagsimulang namayagpag ang karera ni Jiro noong 1999 hanggang 2010. Ang matagumpay na karera ni Jiro ay tuluyang naglaho matapos niyang malulong sa ipinagbabawal na gamot. At ang huling balita nga sa dating child star ay nakasuhan ng Frustrated homicide matapos saksakin ang isang lalaki sa Marikina.

Serena Dalrymple

Credits: Starcinema

Taong 1997 pa lang ay nasilayan na sa telebisyon si Serena Dalrymple. Unang nasilayan si Serena sa commercial ng Jollibee. Hindi naman binigo ni Serena ang kanyang mga tagahanga na ipamalas ang kanyang kabibohan at talento sa pag-arte. Huling nasilayan si Serena sa telebisyon noong 2010 at tuluyan nang iniwan ang mundo ng showbiz upang ipagpatuloy ang pag-aaral. At ngayon nga ay 31 years old na si Serena, at naninirahan sa New Hampshire sa US. Nagtatrabaho naman siya bilang technical program manager sa isang financial software company.

Stefano Mori

Credits: Starcinema

36 taong gulang na ngayon ang dating child star na si Stefano Mori. Nagsimulang namayagpag ang karera ni Stefano noong 1995 at nagwakas naman noong 2002. Maliban sa pagiging aktor, ay isa ring mahusay na singer ang dating child star.

LA Lopez

Credits: Starcinema

Marami ang pinahanga ng dating child star na si LA Lopez sa kanyang taglay na talento hindi lamang sa pag-arte kundi pati na sa pag-awit. Unang nadiskubre si LA sa talent show na Tha’t May Boy. At sa tulong nga ni Dolphy Quizon, ay nagkaroon ng matagumpay na karera sa showbiz si LA. Ngunit, sa huli ay nagpasya na siyang lisanin ang mundo ng showbiz.

error: Content is protected !!