Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang Bunsong Anak ng Aktres na si Diana Zubiri na Taglay Ang Napakagandang Mata na Kulay Light Gray

Ang napakaganda at napakaseksing aktres na si Diana Zubiri ay naging pantasya ng mga lalakihan noong dekada 90. Hindi naman na ito nakapagtataka dahil sa kahanga-hanga niyang kaseksihan ay madalas siyang mapabilang sa FHM Top 100.

Ang 36 taong gulang na aktres na kilala naman sa kanyang tunay na pangalan na Rosemarie Joy Garcia-Smith, ay ipinamalas rin sa publiko ang kanyang husay sa pag-arte. Nagsimula ang kanyang karera sa industriya ng showbiz sa edad na 15 nang madiskubre siya pagkatapos niyang magtrabaho sa Japan. Noong una ay pinasok ni Diana ang mga sexy roles sa mga pelikula na talaga namang pumatok sa madla.

Ngunit pagsapit noong taong 2005, ay unti-unti niyang iniwan ang pagpapaseksi para naman maging isang mahusay na aktres. Sinimulan niya ang paglikha ng kanyang sariling pangalan sa GMA Network, hanggang sa mas nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa fantaserye na Encantadia noong 2005 kung saan nakasama rin niya ang kapwa mahuhusay na aktres na sina Karylle, Iza Calzado at Sunshine Dizon.

Photo credits: Diana Zubiri | IG

Natagpuan naman ni Diana ang kabiyak ng kanyang puso sa katauhan ng kanyang dating asawa na si Alex Lopez. Ngunit, sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkasakit ito at tuluyang pumanaw dahilan ng maagang pagkabiyuda ni Diana. Ang kanilang masayang pagsasama ay umabot lamang ng dalawang taon at ito ay biniyayaan ng isang lalaking anak, si Joaquin Achilles Garcia na kasalukuyang naninirahan sa poder ng aktres.

Samantala, matapos ng sinapit na pagkabigo sa unang pag-ibig, ay muli namang tumibok ang puso ni Diana sa katauhan ng kanyang asawa ngayon na si Andy Smith, isang Filipino-Australlian businessman at model. Nagkakilala ang dalawa sa isang blinddate ngunit, hindi umano ito nagustuhan ni Diana.

Tila sila na talaga ang nakatadhana sa isa’t isa, dahil sa muli nilang pagkikita sa It’s Showtime, ay wala na silang pinalampas na sandali. At dito na nga nagsimulang manligaw si Andy kay Diana para patunayan ang pagmamahal sa aktres. Ang kanilang pagmamahalan nga ay humantong sa pag-iisang dibdib noong 2015 na ginanap sa Quezon City.

Photo credits: Diana Zubiri | IG

Ang kanilang masaya at puno ng pagmamahalang pagsasama ay biniyayaan ng dalawang anak na babae. Ang panganay ay si Alliya Rose at ang bunso naman ay si Amira Jade.

Photo credits: Diana Zubiri | IG

Photo credits: Diana Zubiri | IG

Sa pagsilang ni Diana sa kanilang bunsong anak na si Amira Jade, ay naging emosyonal si Andy. Ito nga ay dahil naging maselan ang pagbubuntis ni Diana rito dahilan nga kung bakit hindi nila ito isinapubliko.

Photo credits: Diana Zubiri | IG

Kapansin-pansin naman ang napakacute na walong buwang gulang na ngayong si Amira, dahil sa taglay nitong napakagandang kulay ng mga mata na may kulay light gray.

Nang mapansin ni Diana ang kakaibang kulay ng mga mata ni Amira ay isang buwan pa lamang ito magmula ng kanyang ipinanganak. Noong una raw ay kulay brown ito, hanggang sa nagbago ang kulay nito at naging light gray.

 

Marami naman ang humanga sa napakagandang kulay ng mata ni Amira katulad lamang ng mga kaibigan sa showbiz ni Diana na sina Lara Quigaman, Kim Rodriguez, Aiko Melendez at Valerie Concepcion. May mga netizens rin na nagbigay ng komento na puno ng paghanga.

“Honestly you have the most beautiful baby among all the showbiz industry. Look at the eyes.”

“Ganda talaga ng eyes ni amira she got it to grandma of andy n sam”

error: Content is protected !!