Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang BFF na mga Celebrity na Bumibighani sa mga Netizens

Napakarami nga naman ang nagagawa ng social media, maliban sa nagbibigay libangan ito sa maraming netizens, at nakapagbibigay ng mabilisan na impormasyon, ay isa rin ito sa mga naging daan upang magkaroon ng mabilisang ‘access’ ang mga netizens sa tunay buhay ng kanilang mga iniidolong personalidad sa showbiz.

Makikita na halos lahat nga ng mga celebrity ngayon ay may mga social media na rin, kung saan hindi lamang ang marangya at napakgandang buhay nila ang ipinapasilip nila rito, kundi maging ang masayang buhay nila kasama ang malalapit nilang mga kaibigan.
Narito nga ang kilalanin natin ang BFF ng ilang mga celebrity na talaga namang bumighani sa mga netizens.

Gretchen Barretto at Mimi Que

Photo credits: Mimi Que | IG

Travel buddy ni Gretchen Barretto si Mimi Que, at tila nga hindi sila mapaghiwalay dalawa, dahil kung nasaan ang aktres ay naroroon di nga si Mimi Que. Mas naging famous pa ang kanilang pagkakaibigan dahil sa kanilang ‘wishing-granting activity’, kung saan ilang mga kapos-palad nga nating mga kababayan ang kanilang natulungan.Ibinahagi naman noon ni Mimi Que kung paano niya inilalarawan ang pagkakaibigan nila ni Gretchen Barretto.

“We choose to be in each other’s lives for the rest of our lives @gretchenbarretto”, ang naging saad nga ni Mimi Que noon sa isa niyang post.

Kathryn Bernardo at Arisse de Santos

Photo credits: Arisse de Santos |IG

Labing apat na taon pa lamang ang aktres na si Kathryn Bernadro at ang beauty blogger na si Arisse de Santos ay makaibigan na ang dalawa. Matatandaan na noong taong 2019 ay nag-migrate na patungong Canada si Arisse, at makikita sa Instagram ni Kathryn ang pagbabahagi niya ng nakakaantig na mensahe para sa matalik na kaibigan, kalakip pa nito ang mga larawan na kuha sa inihanda niyang despidida party para rito.
Ibinahagi nga ni Kathryn sa kanyang IG post na ito kung gaano niya ma-miss ang matalik na kaibigan.

Lovie Poe, Coleen Garcia, Bela Padilla at Adrianne Concepcion

Photo credits: Adrianne Concepcion | IG

Si Adrianne Concepcion ay ang travel buddy ng mga magkakaibigang Lovie Poe, Coleen Garcia at Bela Padilla. Siya rin ang naging tulay upang magkakilala at magkabutihan ang ngayon ay mag-asawa ng sina Miss World titleholder Megan Young at aktor na si Mikael Daez.

Georgina Wilson, Isabelle Daza at Martine Cajuco-Ho

Photo credits: Georgina Wilson | IG

Pinsan nina Isabelle Daza at Geogina Wilson si Martine Cajuco-Ho. Kilala din si Martine bilang ang business partner ni Georgina sa negosyo nitong eyewear brand na ‘Sunnies’, kung saan ay kasosyo rin nila si Bea Soriano Dee.

error: Content is protected !!