Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang Beauty Queen Girlfriend ng Sikat na Vlogger na si Ranz Kyle

Published

on

Sa panahon ngayon, hindi lamang artista ang hinahangaan ng publiko kundi maging ang mga sikat na social media personalities na nagbibigay ng saya sa kanilang mga tagahanga.

Isa na nga sa mga kilalang social media personalities na hinahangaan ngayon ang vlogger na si Ranz Kyle. Siya ang step-brother ni Niana Guerero at dance dou din ng “Ranz and Niana”. Dahil nga sa kanyang talento at husay sa pagsayaw nakilala na siya ng publiko. Kaya naman, hindi maikakaila na sikat na sikat at lalo siya nakilala sa kanyang Youtube Channel na kung saan ay mapapanood ang kanyang mga nakakaaliw na mga videos.




Kilala na nga si Ranz sa online world, kaya naman ang mga mata ng kanyang mga tagahanga ay nakatuon na sa kanya. Kamakailan nga, sa kanyang birthday vlog, agaw pansin ang napakagandang babaeng bumati sa kanyang kaarawan. Ang kanyang pamilya ay humanga sa babae at hindi napigilang tuksuin pa si Ranz. Samantalang ang vlogger naman ay nasupresa sa pagbati ng dalaga at nag-viral pa ang video nito. Ang nasabing babae sa viral video ay si Milissa Grande.

Ngunit, ayon sa usap-usapan, may espesyal na lugar umano si Milissa sa puso ni Ranz, dahil ang dalawa umano ay may relasyon pero mas pinili ng mga ito na maging pribado ang bawat detalye sa kanilang ugnayan.

Si Milissa ay tubong Tarlac na isang beauty queen, commercial model at may angking talento rin sa pagiging singer. Ang kanyang ina ay isang nurse samantalang engineer naman ang kanyang ama. Mayroon naman siyang nakakabatang kapatid na walang taong gulang.




Bata pa lamang nang mag-migrate na ang kanyang pamilya sa Canada at doon na siya naging commercial model, ngunit sa pagbabalik nila sa Pilipinas ay nagpahinga muna siya sa pagiging modelo at sa bansa nga niya muling susubuk na makatagpo ng bagong opportunity.

Maliban sa pagiging modelo ay isa ring beauty queen si Milissa, sa katunayan ay naging kalahok siya ng international pageant kung saan naging kinatawan siya ng Canada. Talaga nga namang taglay ni Milissa ang puso ng isang beauty queen. Hindi maitatanggi na maging ang puso ng vlogger na si Ranz ay nabihag niya.

Marami sa mga tagahanga ni Ranz ang tila na-broken hearted nang malaman na may nagpapatibok na sa puso nito. Ngunit, dahil talagang napakaganda ni Milissa, hindi naman napigilan ng mga tagahanga ni Ranz na humanga sa dalaga. At nagsilbi ring inspirasyon si Milissa sa mga kababaihan upang mahalin ang kanilang angking ganda, maging ang kanilang katawan.

Talaga nga namang masayang makita na matagumpay ang ating mga iniidolo. Ngunit, higit namang kaligayahan ang hatid sa ating mga tagahanga kapag nasilayan ang kanilang mga masasayang ngiti na ang dahilan ay ang taong nagbibigay sa kanila ng inspirasyon at kaligayahan.




error: Content is protected !!