Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang Babaeng Nagpatibok at Bumihag sa Puso ng Aktor na si Gardo Versoza

Ang aktor na si Gardo Versoza, ay kilalang aktor sa industriya ng showbiz na kung saan ay gumanap na sa mahigit 40 pelikula at iba’t ibang palabas sa telebisyon. Magmula nga dekada 90 hanggang sa kasalukuyan, ay talagang namamayagpag ang karera ng aktor. Dahil nga sa kanyang husay, ay nakapila rin ang kanyang mga proyekto.




Photo credits: Gardo Versoza | IG

Samantala, kasabay ng buhay na buhay na karera ni Gardo, ay ang makulay niyang love life. Sa piling nga ng babaeng nagpatibok at bumihag sa kanyang puso, ay natagpuan niya ang labis na kaligayahan. Hindi nga maitatanggi na mahal na mahal ni Gardo ang kanyang maybahay na si Ivy Vicencio.

Photo credits: Gardo Versoza | IG

Matatandaan na ikinasal si Gardo sa kanyang longtime partner na si Ivy matapos ang 13 taong relasyon. Matapos mag-propose noong Pebrero 2019 ni Gardo sa nobya, ay nauwi ito sa isang simpleng seremonya na ginanap noong May 18, 2019 sa El Kabayo Stables sa Floridablanca, Pampanga. Pinatunayan nga ng dalawa sa harap ng kanilang pamilya at mga kaibigan ang kanilang tunay at wagas na pagmamahal sa isa’t isa.

Photo credits: Gardo Versoza | IG

Ang naganap na kasalan ay ikinagulat ng mga taong nakakakilala sa kanya, lalo na’t bukas si Gardo sa tuwing nakakapanayam ang pagiging alangan niya pagdating sa usaping pag-aasawa. Ngunit, tila natagpuan na nga ni Gardo ang taong kanyang hinahanap na magbibigay saya at kulay sa buhay niya, sa katauhan ni Ivy.




Photo credits: Gardo Versoza | IG

Makikita naman sa mga larawang kuha sa kanilang simpleng seremonya, ang kakaibang pakulo. Kung ang ilang nagpapakasal nga ay nakasuot ng gown at suits, sina Gardo at Ivy, ay mas pinili isuot ang kanilang sport outfit sa kanilang pag-iisang dibdib. Napakasimple lang rin ng nagsilbi nilang altar kung saan ay naglagay lamang ng mesa at dalawang upuan sa stage. Ang masayang yugto namang ito sa buhay nila, ay nasaksihan rin ng biking group na Cupcake Bikers 143.

Photo credits: Gardo Versoza | IG

Samantala, ang kanilang masaya at puno ng tamis na pagmamahalan ay nagbunga ng isang malusog na baby boy. Siya ang kanilang “little Machete” na si Deity Uziel.

At ngayon nga, ay talagang buong pusong ipinaparamdam ni Gardo ang kanyang pagmamahal sa kanyang pamilya. Makikita nga ang madalas na bonding nila ng kanyang asawang si Ivy, sa kanilang mga nakakaaliw na Tiktok videos.

error: Content is protected !!