Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang Babaeng Nagbibigay ng Kulay Ngayon sa Buhay ni Dennis Padilla na Isang Half Filipina at Half Australian

Published

on

Ang aktor na si Dennis Padilla ay kilala sa kanyang husay sa pagiging komedyante sa industriya ng showbiz at pagbibigay ng kaligayahan sa kanyang mga tagahanga. Ngunit, di tulad ng nararanasang kaligayahan sa pelikula, maraming pagsubok ang naranasan ng aktor na nagdulot sa kanya ng kalungkutan.




Isa na nga rito ang paghihiwalay nila ng aktres na si Marjorie Barreto. Nagpakasal ang dalawa noong 1997 at biniyayaan ang kanilang pagsasama ng tatlong anak, sina Julia, Claudia at Leon. Ngunit, nagkaroon ng hindi pagkakaunawan ang dalawa na hindi naresolba kung kaya’t ang kanilang pagsasama ay nauwi sa hiwalayan noong 2007.

At kasunod naman nito, sa parehong taon ay hindi na maaaring magpatuloy ang aktor sa kanyang panunungkulan bilang konsehal sa Caloocan. Kaya naman, halos nawala na ang lahat kay Dennis sa loob lamang ng maikling panahon, nawalan ng pamilya at nawalan pa ng pagkakataong manungkulang sa bayan. Maging sa pagbabalik sa industriya ng showbiz ay nahirapan rin ang aktor at tila may ibang plano sa kanya ang tadhana.

Ngunit, ang lahat naman ng pagsubok at nararanasang pait sa buhay na nagbibigay ng kalungkutan sa aktor ay napawi at napalitan ng kaligayahan dahil sa isang babae. Siya si Linda Gorton, isang half Filipina at half Australian, ang siyang nagbibigay ng kulay ngayon sa buhay ni Dennis at muling nagpatibok sa pusong nangungulila ng aktor.




Ayon sa report ng Pep, nagkakilala ang dalawa dahil sa isang kaibigan noong 2008. Malayo ang agwat ng kanilang edad sa isa’t isa, si Dennis ay 49 taong gulang samantalang si Linda ay 25 taong gulang lamang. Ngunit, hindi naging hadlang sa kanilang pagmamahalan ang kanilang edad, sa katunayan ay gustong-gusto si Dennis ng mga magulang ni Linda para sa kanilang anak. Ang tanging naging problema nila ay ang pagkakaroon ng long distance relationship dahil ilang linggo pa lamang silang magkasama ngunit kinakailangan nang bumalik ni Linda sa Austalia.

Naging abala si Linda sa kanyang pag-aaral, samantalang si Dennis naman ay abala sa kanyang karera. Ngunit sa kabila ng pagkakaroon long distance relationship, kanilang nalampasan ang anumang pagsubok na dumating sa kanilang relasyon at naging matatag ang kanilang pagmamahalan.

Natagpuan na nga ni Dennis ang isang tunay at wagas na pag-ibig sa katauhan ni Linda. At ngayon nga, ay halos 10 taon na silang masayang nagsasama at mas lalo pa itong pinasaya ng kanilang tatlong anak na sina Rizzi, Madie at Gavin. Ang kanilang pamilya ay masayang namumuhay at punong-puno ng pagmamahal. Bagama’t, naranasan ni Dennis ang kabiguan, biyaya namang maituturing ang pagdating ni Linda at kanyang mga anak sa buhay niya.

error: Content is protected !!