Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang Babaeng Anak ng Komedyanteng si Dagul, na May Angking Talento sa Pag-awit

Kilala bilang Romy Pastrana sa tunay na buhay at bilang si Dagul naman sa industriya ng showbiz, ay isang komedyante na hinahangaan ng marami.

Siya ay nakilala at madalas na mapanood noon sa telebisyon bilang mainstay ng children gag show na Goin’ Bulilit. At masasabi na naging matagumpay ang kanyang karera sa showbiz kung saan ay nagkaroon rin ng mangilan-ngilang pelikula.

Samantala, pagdating naman sa kanyang personal na buhay, ay nakatagpo naman si Dagul ng babaeng tatanggap sa kanyang pagkatao ng buong-buo, at ito nga ang kanyang asawa ngayon na non-showbiz personality. Ang kanilang pagsasama ay biniyayaan ng apat na anak, tatlong lalaki at isang babae.

Hindi naman na lingid sa kaalaman ng marami na may kundisyon si Dagul na kung tawagin ay “dwarfism”. Ito ay kundisyon ng mga taong ipinanganak na hindi tumataas tulad ng ordinaryong tao, dahil umaabot lamang ang kanilang taas ng halos 4 ft kahit na sila’y matanda na.

Ang nasabing kundisyon ay namamana, at isa nga sa apat na anak ni Dagul ang namana ang kundisyong ito. At ang babaeng anak ni Dagul na si Jkhriez Pastrana ang nakamana nito, at ngayon nga ay 17-years old na.

Ngunit, may hindi magandang dulot sa dalaga ang pagkakaroon ng nasabing kundisyon na namana sa kanyang ama. Dahil nga dito, ay madalas siyang maging tampulan ng tukso. At ang senaryong ito ay madalas maganap sa pinapasukang paaralan noong nag-aaral pa palang siya ng elementarya.

Kwento nga ng dalaga nang makapanay,“Pag nakita daw nila or nakaaway nila ako hindi daw ako makakalaban kasi isang sipa lang naman daw nila sa akin, tutumba na ako. So naisip ko, hindi ba nila nage-gets yung sitwasyon ko.”

Nakakalungkot mang isiping nakakaranas ng pangungutya si Jkhriez mula sa mga taong hindi naiintindihan ang kanyang sitwasyon, ay hindi naman ito hadlang upang tuparin ang kanyang mga pangarap sa buhay.

Sa kabila nga ng kundisyon ni Jkhriez, ay pinagkalooban naman siya ng natatanging talento sa pag-awit. At ito ay nadiskubre ng kanyang ina noong siya’y isang taong gulang pa lamang.

 

Minsan na ring ipinamalas ng dalaga ang kanyang talento nang sumali sa show ng ABS CBN noon na Star Hunt. Hindi man pinalad, ay masaya naman siya dahil nabigyan siya ng pagkakataong ipakita ang kanyang talento. Ang nagsisilbi naman niyang inspirasyon upang ipagpatuloy ang pagtupad sa kanyang mga pangarap sa buhay ay ang kanyang ama.

error: Content is protected !!