Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang 5 Biggest Celebrity Couple na Nauwi sa Hiwalayan ang Relasyon Nang Hindi Inaasahan

Published

on

Talaga nga namang pagdating sa mga kaganapan sa buhay ng ating mga iniidolong artista sa industriya ng showbiz ay hindi tayo nagpapahuli. At isa nga sa talagang sinusubaybayan natin ay ang kanilang buhay pag-ibig. Ang kanilang buhay pag-ibig ang nagbibigay sa atin ng inspirasyon, kasiyahan at kilig bilang kanilang mga tagahanga. Ngunit, sa mga hindi inaasahang pangyayari ang masayang relasyon ng paborito nating celebrity couple ay nauuwi sa hiwalayan na nagdudulot naman sa atin ng kalungkutan.




Narito nga ang 5 celebrity couple na naghatid sa atin ng lungkot matapos maghiwalay ng hindi inaasahan. Isang patunay na wala talagang forever na kahit gaano pa sila katatag ay naghiwalay rin sa huli.

Kim Chiu at Gerald Anderson

Sina Kim Chiu at Gerald Anderson ay unang nagkakilala sa loob ng “Bahay ni Kuya” sa reality TV show na Pinoy Big Brother Season 3 noong 2006. Marami nga ang humanga sa tambalan nila na nagbigay ng kilig sa kanilang mga tagahanga at nakilala sila bilang love team na “KimErald”. Dahil nga bagay na bagay silang dalawa bumuhos ang mga proyekto na kanilang pinagsamahang pelikula at teleserye kagaya na lamang ng Paano Na Kaya, Sana Maulit Muli at Tayong Dalawa. Ngunit, matapos ang ilang taon bilang magkasintahan ang kanilang pagmamahalan ay nauwi sa hiwalayan noong 2010.

At ngayon nga, ay masaya na si Kim sa piling ng boyfriend na si Xian Lim, samantalang si Gerald naman ay nananatiling single matapos ang kontrobersyal na hiwalayan nila ng aktres na si Bea Alonzo.

Carlo Aquino at Angelica Panganiban

Marami rin sa mga tagahanga nina Carlo at Angge ang nalungkot matapos nilang maghiwalay. Nagsimula ang kanilang relasyon noong sila’y mga teenager pa lamang sa tambalang CarGel. Nanatiling magkaibigan ang dalawa at noong 2018 nga, muli na naman nilang pinakilig ang kanilang mga tagahanga nang magkatambalan sa pelikulang “Exes Baggage”.
Ngunit, noong nakaraang taon lamang ay nagulat ang publiko sa pahayag ni Angge na kailangan na niyang dumistansiya kay Carlo.

Kasabay nga nito, ang balitang kumakalat na si Carlo ay may bagong karelasyon na kung saan ay nakunan ng larawan habang nagbabakasyon kasama ang modelo na si Trina Candaza.
At sa isang panayam nga ay kinumpirma ng aktor na may relasyon sila ni Trina. Ngunit, sa kabila nito ay nanatiling civil sa isa’t isa sina Carlo at Angge. Ayon pa kay Carlo,

“there’s no awkwardness, at least on my part, because Angge and I have known each other for a long time.”




Samantala, sa isang panayam naman noong nakaraang taon, ipinahayag naman ni Angge na hindi na umano sila magkaibigan ni Carlo.

“Matagal na rin. Basta matagal na rin [kaming nawalan ng communication],”

Elmo Magalona and Janella Salvador

Nagkakilala sina Elmo at Janella sa set ng teleseryeng “Born for You”.

Ang kanilang tambalan ay nagkaroon pa ng mga pelikula kagaya ng My Fairy Tail Love Story at Bloody Crayons. Dito na nga nagsimula ang matamis na pag-iibigan ng dalawa. Ngunit, natapos naman ang kanilang relasyon noong 2018. Sa kaparehong taon naman, sa isang panayam ay nagulat ang publiko sa isiniwalat ni Janella na sinasaktan umano siya ni Elmo. At inamin rin ng aktres na napapakunsolta siya sa psychiatrist, dalawang linggo matapos ang insidente.

Saad naman ni Janella kung mahal pa niya ang aktor,

“did say na love ko siya. Hindi naman ganoon kabilis mawawala ‘yon.”




Joshua Garcia at Julia Barretto

Nakilala naman sina Joshua Garcia at Julia Barretto sa kanilang tambalan bilang JoshLia na kung saan ay naghatid ng saya at kilig sa kanilang mga tagahanga.

Ang kanilang kasikatan bilang love team ay nagsimula noong 2016 nang una silang magsama sa Metro Manila Film Festival sa pelikulang Vince and Kath and James. At nasundan pa nga ito ng mga teleserye at pelikula gaya ng Ngayon at Kailanman, Block Z, I Love You, Hater, Unexpectedly Yours, at Love You To the Stars and Back.

Ngunit, matapos ang dalawang taon ng kanilang matamis na pagmamahalan ay naghiwalay rin ang dalawa. At sa isang interview ay kinumpirma nila ito at sinabi: “For now, babalik muna kami sa pinagsimulan namin. We’re now best of friends. We managed to be the bestest of friends and if the fans are worried, we can assure them that there is nothing to worry about. JoshLia is very much alive.”

James Reid at Nadine Lustre

Sino nga ba ang hindi kikiligin sa tambalang JaDine na kung saan ay talagang nakakakilig sa bawat eksena mapa-pelikula man o teleserye. Nagsimula nga ang kanilang tambalan noong 2014 sa pelikulang Diary ng Panget. Ngunit, hindi naman nagtagal ang kanilang tambalan sa pelikula ay nauwi sa totoong buhay. At noong 2016 nga, inanunsyo ni James ang kanyang pag-ibig kay Nadine nang magconcert sila sa Areta Coliseum.

Ngunit, sa pagsalubong ng taong 2020 ay bumungad agad sa publiko at kanilang mga tagahanga ang kanilang hiwalayan. Marami ang naapektuhan sa kanilang paghihiwalay noong January. At sa kanila ngang joint statement na isinapubliko sa programang Tonight With Boy Abunda, kinumpira ng dalawa na ang kanilang apat na taong relasyon ay nagwakas na.




“It’s true that we have split up, but not for all the reasons that are being spread on the tabloids and social media, but because after quiet and mature conversations, we decided to focus on ourselves not only for our careers but more for our personal growth as we are still young and we want to achieve as much as we can.”

error: Content is protected !!