Kilalanin: 7 Sikat na Artista na Dati ng Mayaman Bago pa man Sila Sumikat

Ilan sa mga kilalang artista ngayon ay kilala bilang nagmula sa hirap, at pinalad na yumaman matapos madiskobre sa pag arte, pag awit, o pag sayaw. ngunit alam niyo ba na madami din na artista na mayaman na bago pa man sila sumikat.



Ilan dito ay mga beteranong aktor at aktres na kilala na sa mundo ng pagtatanghal. May pera man sila pero mas pinili nila na magtrabaho bilang artista upang sa kagustuhan na maibahagi ang kanilang mga talento sa ibat ibang larangan ng pag arte.

Narito ang ilan sa mga artista na dati ng mayaman bago pa man sila sumikat.

Denise Laurel

Sa kabilang banda ang magandang aktres ay mula sa kilalang pamilya ng mga pulitiko at kamakailan lamang ay naging bahagi ng Kapamilya Teleseryeng “Ang Probinsiyano”. Apo siya ng dating Pangulong Jose Laurel at ikalawang pangulong Salvador Laurel.

Mikee Cojuangco

Ang magaling na equestrienne at aktres ay anak ng kilalang personalidad na si Don Peping Cojuanco at pinsan din niya ang aktres na si Kris Aquino.



Kris Aquino

Bukod pa sa pagiging premyadong aktres kapatid lamang siya ng dating Pangulong Noynoy Aquino at anak nina dating Pangulong Cory Aquino at ng bayaning si Senador Ninoy Aquino sa kabilang banda kilala ang pamilya Cojuanco dito sa ating bansa.

Beauty Gonzales

Sa kabilang banda ang ‘Romina Mondragon’ ng teleseryeng Kadenang Ginto ay galing sa mayaman at politikong pamilya.



Ellen Adarna

Samantala ang kontrobersiyal na aktres ay kilalang galing sa pamilya na may-ari ng mga sikat na motel sa Cebu.

Lucy Torres–Gomez

Ang maybahay ng dating aktor na si Richard Gomez ay kilala ang pamilya sa Ormoc dahil sa malaking plantasyon ng tubo ng kanilang pamilya. Sa kasalukuyan siya at ang kanyang asawang aktor ay parehong public servant sa kanilang bayan.



Maine Mendoza

Sa mga hindi nakakaalam ang Reyna ng Dubsmash ay mula sa mayamang pamilya na ang mga pagmamay-ari ay mga gasoline station at mga fast food chain.

Masasabing nakakabit na sa kanilang pangalan ang katanyagan at karangyaan ng kani-kanilang pamilyang pinagmulan.