Connect with us

Entertainment

Kilalanan Ang Nagbibigay Inspirasyon At Nagsisilbing “Lucky Charm” Sa Buhay Ng Aktres Na Si Andrea Torres

Hindi naman na nakapagtataka kung marami ang humahanga sa aktres na si Andrea Torres. Bukod naman kasi sa taglay niyang kagandahan at kaseksihan ay taglay rin niya ang busilak na kalooban.

Wala ring duda na pagdating sa pag-arte ay talagang kahanga-hanga ang kanyang talento, dahilan nga ng kanyang matagumpay na karera sa showbiz ngayon. Ngunit, hindi lamang nga sa bawat karakter na kanyang ginagampanan ang kanyang pagiging isang mabuting tao, dahil sa tunay na buhay ay napakabuti ng aktres lalo na nga bilang isang mapagmahal na Ate sa kanyang kapatid.

Lingid nga sa kaalaman ng marami, ay isang mapagmahal at responsableng Ate si Andrea sa kanyang nakakabatang kapatid. Ang maganda at talentadong aktres ay pang-apat na anak ng kanyang mga magulang. At kahit nga hindi siya ang panganay na anak ay talagang napakaresponsable at mapagmahal siya sa kanyang pamilya.

Sa katunayan nga nito, ang kanyang nakakabatang kapatid na si Kenneth na may “special needs”, ay hindi niya pinapabayaan at talagang ginagampanan ang kanyang tungkulin bilang isang mapagmahal at responsableng Ate.

At dahil nga may “special needs” si Kenneth, nakatuon ang buong atensyon ng aktres at ng kanilang pamilya sa kanilang bunso. Ayon naman sa aktres, ay matagal na niyang hiling ang magkaroon ng nakakabatang kapatid, kaya naman nang dumating si Kenneth sa kanilang pamilya ay labis na kaligayahan ang kanyang nadama. Malapit rin sa isa’t isa sina Andrea at Kenneth kung saan nga ay naglalaan ng oras ang aktres para alagaan at makabonding ang kanyang kapatid.

Napakaespesyal naman ni Kenneth kay Andrea at sa kanilang pamilya. Ayon naman sa aktres, si Kenneth umano ang rason kung bakit sa natuto silang magkakapatid na maging responsable. Dahil nga sa kondisyon ni Kenneth, ay napakahands-on ni Andrea sa pag-aalaga sa kanyang kapatid.

“Siguro yung pinaka-impact is naging responsable kami kaagad tapos yung mga little things,ma-appreciate mo kasi ‘yung brother mo, hindi niya iyon na-eexperience.”

Ayon pa kay Andrea, may mga bagay na hindi kayang gawin ni Kenneth kung kaya’t bilang isang pamilya ay nagtutulungan sila sa pag-aalaga rito dahilan para maging mas malapit sila sa isa’t isa.

“Hindi siya nakakakain ng solid food, yung mga ganun. So mas naging positive kami. Mas naging grateful tapos siyempre, mas close yung family kasi nagtutulungan kami for him.”

Ibinahagi rin ni Andrea ang matinding pagsubok ng kanilang pamilya at naranasang lowest point ni Kenneth. Ayon sa aktres, ang buong akala raw nila ay normal lang na may pagkatamad ito, ngunit napag-alaman nila na ang dahilan nito ay “organ failure”.  Dahil dito, ay nagkaisa ang kanilang pamilya na ipanalangin ang kagalingan ni Kenneth. At ngayon nga, ay magaling na ito ay unti-unti na ring bumabalik ang sigla ng katawan na labis namang ipinagpapasalamat ng pamilya ni Andrea.

error: Content is protected !!