Connect with us

Entertainment

Kendra Kramer, Binansagang Future Miss Universe Dahil Sa Kanyang Kahanga-hangang Kagandahan

Hindi maikakaila na taglay na ng panganay na anak nina Chesca Kramer at Doug Kramer na si Kendra Kramer ang kahanga-hangang kagandahan na kanyang namana sa kanyang mga magulang. Isa nga si Kendra sa mga celebrity kids na talagang hinahangaan ng publiko. Sa edad niyang 12 taong gulang ay litaw na litaw na ang kanyang ganda na animo’y isa nang ganap na dalaga.

Photo credits to the owner

Dahil nga sa taglay na ganda ng kanilang anak, ay hindi naman maitatanggi na proud parents ang mag-asawang Chesca at Doug. Sa social media nga ay hinahangaan ng marami si Kendra dahil sa kanyang taglay na ganda na maihahalintulad sa isang manika. At kamakailan lamang nga, ay muling pinagkaguluhan ng netizens ang kagandahan ni Kendra.

Ito nga ay matapos ibahagi ni Doug ang video ng behind the scenes ng fun photoshoot ni Kendra kung saan ay umawra ito na tila isang kandidata ng Miss Universe. Komento nga ng kanyang mga tagahanga, “future Miss Universe at Catriona Gray”. Sa kanyang modelling skills at tila isang beauty queen na awra ay talagang namangha ang mga netizens. Mapapanood nga sa video na simple lamang kay Kendra ang umawra sa harap ng camera para ipamalas ang kanyang kahanga-hangang kagandahan.

Photo credits to the owner

Ayon naman kay Doug, ay katatapos lamang sumabak ni Kendra sa isang TV commercial nang maisipan ng kanilang glam team na magsagawa ng isang fun photoshoot. At hindi nga binigo ni Kendra ang kanyang mga fans nang ipamalas niya ang kanyang natatanging kagandahan.

“Grabe, ano iyan? That’s not Cheks, you guys! That looks like Cheks, it’s not! It’s Kendra!” saad ni Doug sa video.

“This is just a random shoot. We just finished a three-day TVC and print shoot for Cheks, Gavin, and Kendra then… our glam team decided to do this for Kendra…Our glam team, sina Rain, ginagawang Miss Universe na agad si Kendra e!” patuloy ni Doug sa video.

Photo credits to the owner

Sa isang larawan naman ay kapansin-pansin ang anggulo ni Kendra kung saan nahahawig ito kay Miss Universe 2018 Catriona Gray. Kaya naman, nang ibahagi ng isang pageant community ang video sa Facebook ay nagkagulo ang mga pageant fans sa comment section ng post. Inulan nga ng mga komentong puno ng papuri at paghanga ang gandang taglay ni Kendra.

“Omg catriona. Sure win to. Hehe another crown for the philippines.. soon!”

“yes please my gosh I hope i can afford to watch the live show that time na.ready to cheer..”

“Beautiful Young Lady. Next Catriona Gray ng Philippines. Our Future next Ms Universe”

Photo credits to the owner

Ngayon pa lang nga ay bumubuhos na ang pagsuporta kay Kendra kung sakali mang pumasok nga ito sa pageant at sumabak sa pagiging Miss Universe. Ngunit, sa ngayon ay 12 taong gulang pa lamang ito kung kaya’t maraming taon pa ang hihintayin ng kanyang mga fans. Hindi naman maikakaila na malaki ang potensyal ni Kendra na maging isang matagumpay na beauty queen dahil bukod sa kanyang kahanga-hangang tangkad at kagandahan, ay matalino at may taglay ring talento si Kendra.

error: Content is protected !!