Connect with us

Entertainment

KC Concepcion, May Nakakaantig at Napaka-sweet na Mensahe sa kanyang Daddy Gabby Sa Pagdiriwang ng 56th Birthday Nito

Dekada 80 nang magsimula ang pag-iibigan ng on-screen partner na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. At noong September 23,1984, ang kanilang pagtitinginan on-screen ay nauwi sa pag-iisang dibdib na ginanap sa Manila Cathedral. Agad namang nagbunga ang kanilang pagmamahalan, at biniyayaan sila ng isang napakagandang anak. Siya ang 35 taong gulang na ngayong si KC Concepcion.




Matapos naman ang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa, taong 1987, ay nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon. Ito nga ay dahil, si Gabby pala ay kasal na sa iba, bago pa man siya ikasal kay Sharon. At noong 1993, ang kanilang kasal ay natuluyan nang na-annulled.

Photo credits: itskcconcepcion | Instagram

Bagama’t, lumaking hiwalay ang mga magulang, ay naging isang mabuti at mapagmahal na anak sa mga magulang si KC. Katunayan nga nito, kahit hindi nakakasama ang kanyang Daddy, ay nagkakaroon pa rin ang mag-ama ng bonding moments. At ngayong panahon ng pandemya, ay mas lalo nilang naenjoy ang presensya ng bawat isa.

Hindi maikakaila na talagang malapit si KC sa kanyang Daddy Gabby. At nito lamang ika-5 ng Nobyembre, sa pagdiriwang ng 56th Birthday ng kanyang Daddy Gabby, ay may nakakaantig at napaka-sweet na mensahe si KC para sa kanyang ama.

Photo credits: gabbyconcepcion| Instagram

Sa Instagram post ni KC, mababasa ang isang mensahe na puno ng pagmamahal para sa kanyang ama. Ayon nga kay KC, ang kanyang ama ang nagsilbi niyang gabay sa mga bagay na dapat niyang matutunan. Kaya naman, kahit malaki na siya at lumaking independent sa buhay, kinakailangan niya parin ang kanyang Daddy Gabi sa kanyang tabi upang turuan siya ng mga bagay na tanging ama lang niya ang makakagawa.

Photo credits: itskcconcepcion | Instagram

“Happy happy birthday to my father full of heart and passion, who watches out for me and keeps me alert and active like a big brother would You’ve always believed in me, thank you for always holding my hand through things when I need to learn something new. Sometimes people overestimate my independence but I’ll always need a man like you by my side who can teach me things no one else would.”




Samantala, nagpasalamat naman si KC dahil tinuruan rin siya ng kanyang ama na maging down to earth, at eenjoy ang mga simpleng bagay na nakakapaghatid ng saya.

“I’m so glad we get this time to stay close, even if you tease me about liking fancy things (🤣)… You always keep me down to earth, taking me outdoors- barefoot whenever possible- just enjoying the simplest joys in life!!! I love you, to the handsomest of them all! Papa happy birthday!!! @concepciongabby.”

Photo credits: gabbyconcepcion| Instagram

Tunay nga na napakabuting anak ni KC, dahil kahit nagkahiwalay ang mga magulang ay lumaki siyang mapagmahal na anak at mabuting anak. Isang anak na hindi hadlang ang anumang bagay upang iparamdam ang pagmamahal sa mga magulang. Ngayon ay 35 taong gulang na si KC na kung saan ay patuloy na namumuhay bilang isang independent.

error: Content is protected !!