Connect with us

Entertainment

KC Concepcion, Masayang Nagdiwang ng kanyang 36th Birthday Kapiling ang Kanyang Amang si Gabby Concepcion at Pamilya Nito sa Batangas

Espesyal ang pagdiriwang ng 36th birthday ng aktres at jewelry designer na si KC Concepcion. Ito nga ay dahil kasama ni KC sa kanyang espesyal na araw ang kanyang amang si Gabby Concepcion at pamilya nito sa Lobo, Batangas.

Isang araw bago sumapit ang mismong araw ng kanyang kaarawan, nito lamang Abril 7, ay ibinahagi ni KC sa Instagram ang masayang bonding nilang mag-ama kamasa ang kanyang half-sisters na sina Samantha at Savannah sa napakagandang rest house ni Gabby sa Batangas.

Nilakipan naman ito ni KC ng caption na sinamahan ng cake, sparkles, at money bag emojis.

“Monopoly night”

Makikita naman sa mga naunang post ni KC na noong Holy Week pa siya nasa Batangas, upang mag-enjoy kasama ang kanyang ama at pamilya nito. Sa Instagram nga noong Easter Sunday, ay makikita ang larawan kung saan kasama niya, ang mga anak ng kanyang ama sa asawa niting si Genevieve Yatco Gonzales na sina Samantha at Savannah.

Caption naman ni KC sa kanyang post:

“Happy Easter! Grateful to have this chance to spend time with my little sisters Samantha & Savannah! Been locked down together and making up for lost time.”

Si KC ay anak ni Gabby kay Megastar Sharon Cuneta noong kabataan nila, ngunit hindi nagtagal ay nauwi rin sa hiwalayan ang dalawa. Hindi man nasilayan ni KC, ang isang buong pamilya, ay masaya naman siya dahil kahit may kanya-kanya ng pamilya ang mga ito.

Sa katunayan nga nito, ay malapit si KC sa kanyang mga kapatid sa ama, at mga kapatid sa kanyang ina. At ang ‘unconventional blended family’ na ito, ay mahal at pinapahalagahan ni KC. Pahayag pa nga nito, bagamat mahirap minsan ang sitwasyon ng dalawang pamilya, ay hindi kompleto ang buhay niya ng wala ang mga ito.

“For those of you who don’t know, my parents married in their teens and unfortunately separated when I was a toddler. Today they have their own families, who are also my own.”

“I keep close to my siblings, or at least I do my part to, and [to be honest], giving importance and nurturing relationships between both my families can be tough—always a balancing act. But I love them all and my life wouldn’t be complete without them!”

Maliban naman kay Samantha at Savannah, ay may dalawa pang kapatid sa kanyang ama si KC, sina Cloie Syquia-Skarne na anak ni Gabby kay Jenny Syquia at Garie Concepcion na anak naman nito kay Grace Ibuna.

Samantalang sa side naman ng kanyang inang si Sharon ay may tatlong kapatid si KC. Sina Frankie, Miel, at Miguel, na anak ni Sharon kay Francis “Kiko” Pangilinan.

error: Content is protected !!