Connect with us

Entertainment

KC Concepcion, Labis ang Lungkot at Hinagpis sa Pagpanaw ng Kanyang Yaya na si Nanay Lina na siyang Nag-alaga sa kanya Magmula Pagkabata

Naghihinagpis at labis ang kalungkutang nadarama ngayon ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na si KC Concepcion. Ito nga ay matapos pumanaw ang kanyang Yaya na si Nanay Lina na siyang nag-alaga sa kanya magmula pagkabata.

Hindi naman na lingid sa kaalaman ng marami kung gaano kamahal ni KC ang kanyang Nanay Lina. Sa katunayan nga nito, ay niregaluhan pa ng aktres ng bahay ang kanyang Nanay Lina para suklian ang hirap at sakripisyo sa pag-aalaga at pagpalalaki sa kanya.

Photo credits: google.com

Ngunit, nito lamang ngang ika-3 ng Enero 2022 ay malungkot na ibinalita ni KC sa kanyang Instagram account ang pagpanaw ng kanyang Nanay Lina. Isang mahaba at nakakaantig na mensahe para kay Nanay Lina ang ipinaabot ni KC kung saan nga ay mababakas kung gaano niya kamahal at pinapahalagahan ang taong nag-alaga sa kanya simula pagkabata.

“No words can express how I cherish you, and how loved you made me feel. Just my presence, just me being with you in the same room, made you so happy, and how that would inspire me. Thank you for the unconditional love, your fierce loyalty and unshakeable faithfulness Nanay. I prayed as a child that God would give you a long, full life. He granted that wish. I did my best for you my Nanay Lina, even if I needed to leave the nest and grow my wings to fly. Now you’re the one with wings flying around heaven for sure. Mag champagne ka na diyan, nanay. Masarap champagne diyan for sure. I love you so much and I’m eternally grateful to you for taking care of me until the end. I’ll love and cherish you and your smile, your eyes that would light up, your handwritten letters year after year, with all my heart. My childhood nanny. My loyalist and now my guardian angel… Kap khun kah. ElenaBuenaobra .NanayLina Family”

Sa comment section naman ng kanyang post, ay sinagot ni KC ang komento ng kanyang ama na si Gabby. At dito nga ay ipinahayag ni KC ang detalye sa pagpanaw ng kanyang 91 taong gulang na Yaya na si Nanay Lina.

“Papa She didn’t wake up na. I spoke to her a couple weeks ago pa. She was so happy.”

Sa isa namang tagahanga ni KC ay hindi naman niya naiwasang magkwento sa makulay na buhay ni Nanay Lina.

“She worked for the Thai embassy and was taught to speak Thai. She also taught me many Thai words and greetings and my family and I flew her to Bangkok once before,”saad ni KC.

Photo credits: google.com

Matatandaan naman na noong 2017, ay binigyang pugay ni KC ang kabutihan ng kanyang Nanay Lina at ibinahagi rin ng aktres kung gaano kaganda ang kanilang relasyon, na kahit nga umalis na sila sa kanilang bahay at natutong mamuhay ng mag-isa ay palagi paring ipinapakita ng kanyang yaya ang pagmamahal nito sa kanya.

“She is really my guiding light. The woman who took care of me when my mother as busy working. My mother entrusted me to her and she writes me handwritten notes, handwritten cards every month and every time she sees me. She never married anymore and considers all of us her children. A lot of us can relate to this situation that we all have our nanay ninangs in our lives so I really wanted to put a spotlight on her.”

Napakalaking parte nga ng buhay ni KC si Nanay Lina, na kung tutuusin nga ay ito na ang tumayong pangalawang magulang ng aktres. Kaya naman, sa pagkawala ng taong nagmahal at nag-alaga sa kanya mula pagkabata ay talagang halos madurog ang puso ni KC.

error: Content is protected !!