Connect with us

Entertainment

KC Concepcion, Ipinakita ang Taglay na Kaseksihan sa Suot na Swimsuit Nang Magbakasyon sa Palawan at Salubungin Doon ang Bagong Taon

Bagama’t hindi na nasisilayan sa mga teleserye na napapanood sa telebisyon at sa pelikula ang anak ni Megastar Sharon Cuneta na si KC Concepcion, ay hindi naman ito nakakalimot na magbigay ng update sa kanyang mga tagahanga sa kaganapan ng kanyang buhay.

Makikita nga sa social media ni KC na madalas siyang magbahagi ng kanyang mga larawan. Katulad na lamang ng masayang bakasyon ni KC sa mga lugar na kanyang pinupuntahan. At kamakailan nga, ay ipinasilip ni KC ang kanyang masayang bakasyon sa El Nido, Palawan.




Sa pagsalubong ng taong 2021, ay isang napakaganda at napakasexy na KC Concepcion ang nasilayan ng lahat. Sa Instagram, kalakip ang isang larawan kung saan nakasuot ng kulay dilaw na dress si KC, ay masisilayan na masaya itong nakangiti sa harap ng kamera. Puno naman ng pag-asa ang caption ng kanyang post.

“Finally ‘21 😉 Adulting 💛 To reap the rewards of the lessons learned in 2020 is the hope for the new year ahead. Happy new year, everyone!”

Sa ibang post pa sa Instagram ni KC, ay makikita ang mainit niyang pagsalubong sa taong 2021 kung saan ay talagang proud na ibinahagi ng aktres ang taglay na kaseksihan sa suot na swimsuit habang nasa beach.

Bukod nga sa ganda ng tanawing masisilayan sa El Nido, Palawan, ay hindi naman maikakaila na kahanga-hanga rin ang taglay na ganda at kaseksihan ni KC. Tila nga, blooming ngayon ang aktres at masayang-masaya ang kanyang pagbabakasyon.

Sa pagtatapos ng taong 2020, ibinahagi ni KC sa isang post sa Instagram, ang kanyang pananaw at hinikayat niya ang kanyang mga followers “to keep swimming”.




“Ending the year with a sea of emotions… ⚓️ This year we learned that when faced with hard times, it’s our choice to either sink, or swim. Keep swimming.”

May post rin si KC na talagang ipinakita ang taglay na kaseksihan sa suot na swimsuit habang nasa tubig. Caption naman sa post ni KC:

“GOOD MORNING 2021! Coffee, tea, or the big blue sea? ♥️ (You know where to find me!) 🌊☀️.”

Sa mga sumunod namang post ni KC, ay makikita naman na enjoy na enjoy siya sa kanyang bakasyon sa beach ng El Nido.

Photo credits: KC Concepcion | Instagram

Photo credits: KC Concepcion | Instagram

Samantala, naging masaya naman ang pagdiriwang ng pasko ni KC, kung saan ay nakasama niya ang kanyang ina na si Sharon Cuneta.

error: Content is protected !!