Connect with us

Entertainment

KC Concepcion, Ibinahagi ang Kanyang LA Fashion At Kung Bakit Komportable At Malaya Niyang Naisusuot Ang Kanyang Gusto Kapag Nasa Abroad

Si Maria Kristina Cassandra Cuneta Concepcion o mas kilala ng publiko bilang si KC Concepcion ay hinahangaan ng marami hindi lamang sa kanyang taglay na kagandahan kundi pati na rin pagdating sa kanyang taste of fashion. Hindi naman maikakaila na talagang nangingibabaw sa lahat ang kagandahan ni KC lalo na sa kanyang mga OOTD.

At dahil nga sa kanyang angking kagandahan at kahanga-hanga niyany kasuotan, ay walang kahirap-hirap na nakukuha ni KC ang atensyon ng publiko. Alam at talagang kabisado na ni KC kung paano niyang ibagay ang kanyang mga damit. Hindi lamang nababase sa quality ng damit ang kagandahan nito, kundi nasa tamang pagdadala rin at pagpapares-pares o pagbabagay ng damit at accessories. Katulad na lamang nga ng napakagandang OOTD ni KC na binuo ng kanyang Manolo Blahniks, na binagayan ng kanyang alahas, Avec Moi, o Hello Kitty varsity jacket na regalo sa kanya ng kanyang kaibigan.

Photo credits: kristinaconcepcion | IG

Ayon naman kay KC, ang kanyang mga isinusuot na OOTD ay binabagay rin niya sa climate o kultura ng bansa. Kung sa Pilipinas nga, ay medyo maselan pagdating sa pagsusuot ng mga seksing damit kung saan makikita ang kurba ng kanyang katawan, sa Los Angeles umano ay malayang niyang isuot ang kanyang naisin, at ipagmalaki ang asset sa kanyang katawan.

“I find that maybe in the Philippines, we still need to appreciate that body type a little bit more. In LA, they celebrate it. They celebrate when you have big hips or big butt or certain things. I really like to celebrate my curves along with other women in places where they are celebrated.”

Photo credits: kristinaconcepcion | IG

Hindi naman na nakapagtataka na si KC ay mapabilang sa Preview Best (Under) Dressed List 2021 ng Preview, kung saan nga kamakailan ay nakapanayam para ibahagi ang kanyang sikreto at pagmamahal sa LA fashion. Pati na rin kung paano niya napapanatili ang kanyang kagandahan, at ibinahagi rin nya ang abala ngunit masay niyang buhay ngayon sa Los Angeles, California.

Photo credits: kristinaconcepcion | IG

Sa nasabing panayam ay ilang katanungan ang sinagot ni KC patungkol sa kanyang taste pagdating sa fashion, at kanyang personal style na talaga namang kahanga-hanga. Ilan sa mga tanong ay kung paano raw mailalarawan ni KC ang kanyang personal style.

Photo credits: kristinaconcepcion | IG

Ayon nga sa aktres, ay talagang gusto niya ang fashion na meron sa LA. Hilig raw talaga ni KC ang haluan ng luxury ang ilan niyang pieces na low maintenance. Para rin sa aktres, ay mahalaga rin na ang suot ay hindi sobrang bongga, at hindi rin naman ganun kasimple para na rin maging angkop sa kapaligiran.

Ngunit, may mga pagkakatain rin raw na gusto niya lang ng simple ngunit binabagayan niya naman ng alahas para magmukhang class at sophisticated parin siya. Inamin naman ng aktres na talagang mahilig siya sa mga mamahaling gamit, tulad ng sapatos, bag, at mga alahas.

“But I really love being able to express myself with color, and then there are days when I love being minimalist. So it really is more of… the concept is mixing high and low. I love having luxury shoes, luxury purses, and then a highstreet top or jacket. It’s always been like that, and I’m very… I like to be fun. I like to be quirky. I like to include unexpected pieces with sophisticated pieces as well, just like my jewelry.”

error: Content is protected !!