Connect with us

Entertainment

KC Concepcion, Balik Los Angeles na, Ibinahagi ang Unang Flight Matapos ang 16 na Buwang Pananatili sa Pilipinas

Dahil sa pandemya, ay nagkaroon ng travel restrictions dahilan nga upang makansela ang maraming biyahe mula sa loob at labas ng bansa. Dahil na rin sa matinding pag-iingat para mapangalagaan ang bawat isa laban sa nakakahawang sakit, kung kaya’t ipinatupad ang paghihigpit ng biyahe.

Ngunit, matapos ang mahigit isang taon, ay tila bumabalik na sa kaayusan ang lahat. Makikita kasi na nagkaroon na nh kaluwagan sa domestic at international flights kung saan ay pinapahintulutan nang lumabas at pumasok ng bansa ang sinuman, basta’t sumusunod sa safety protocols at iba pang requirements.

Kaya naman, ang anak ni Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na si KC Concepcion, ay naglakas loob na ring magtungo sa ibang bansa sa gitna ng pandemya. Si KC nga ay lumipad patungong United States matapos ang mahigit isang taong pananatili sa Pilipinas.

 

At nito lamang Sabado, ika-26 ng Hunyo, ay ibinahagi ng jewelry designer na si KC sa kanyang Instagram na siya’y aalis ng bansa upang magtungo sa Los Angeles, California at ito ang kanyang unang international flight matapos ang halos 16 months.

“Realized I was boarding a plane for an international flight. First in 16 months!!!,”caption ni KC sa kanyang post.

Hindi naman sinabi ni KC sa kanyang post, kung ano ang rason niya ng biglaang pag-alis ng bansa, kung ito ba’y may kinalaman sa trabaho o kaya naman ay dahil sa personal na rason. Wala ring sinabi ang aktres kung hanggang kailan siya magtatagal sa US.

Matatandaan naman na nito lamang nakaraang buwan ng Mayo, ay napabalita rin ang biglaang pagpunta ni Megastar Sharon Cuneta sa US ng walang kasama isa mang miyembro ng kanyang pamilya. Tila nga ang biglaang pag-alis ni KC, ay upang sundan ang kanyang ina sa US. Ayon naman kay Megastar, ay kailangan niyang huminga at hanapin ang sarili.

Ibinunyag naman kalaunan ni Sharon na ang dahilan ng kanyang pagpunta ng US, ay para maging productive. Ito nga ay matapos ma-depressed dahil sa opportunity na maging bida sa isang pelikula na produced ng American director Steven Spielberg at headlined ng Filipino-American comedian na si Jo Koy, at ito nga ay dahil sa COVID-19 test result na “false positive”.

Samantala, ang mag-inang KC at Sharon ay parehong legal residents ng US. Sa katunayan nga nito, ay nagmamay-ari sila ng isang napakagandang mansyon sa Calabasas City in L.A. County. Ngunit, hindi naman nagtagal ay ibinenta ito ni Sharon sa American comedian na si Allen Covert, collaborator ng Hollywood star na si Adam Sandler.

error: Content is protected !!