Connect with us

Stories

Kay Bilis Ng Panahon, Dating Aktres na si ‘Ningning’, Nag Dadalaga na at Mas Lalong pang Gumanda

Published

on

Tila napakabilis ng paglipas ng panahon dahil hindi na natin namamalayan ang pagdaan ng bawat araw. At ngayon nga ang mga iniidolo nating munting bata sa mga pelikula at teleserye noon ay malalaki na at unti-unti ng tinutupad ang kanilang mga pangarap sa buhay.




Bagama’t napakasaya maging bata, hindi natin mapipigilan ang pagdaan ng panahon na ang mga batang ito ay lumaki, maging responsable at magkaroon ng sariling buhay. Kaya naman, ang bawat sandali ng pagiging munting bata nila ay ating minamahal at pinapahalagahan. Dahil darating ang panahon na ang munting mga bata na napanood natin sa telebisyon ay magdadalaga at magbibinata na.

Sino nga ba ang makakalimot sa napakacute na batang si Ningning na nagpaantig sa ating mga puso noon?

Maraming taon na nga ang lumipas nang mapanood natin sa telebisyon si Ningning o mas kilala bilang Jana Agoncillo sa totoong buhay. Ngunit, ang kanyang napakacute at maamong mukha ay nananatili pa rin sa puso’t isipan ng publiko.

Hinangaan ng publiko ang batang si Ningning dahil sa mala-anghel niyang mukha at napakacute na boses na sinamahan pa niya ng kanyang husay at talento sa pag-arte sa teleseryeng “Ningning” at “Dream Dad” kung saan nakasama niya sina Zanjoe Marudo at Beauty Gonzales.




Marami ang talagang humanga sa taglay na talento ni Ningning. Sa katunayan, dalawang direktor ng teleserye ang nagsabi na ang talento ni Ningning ay naiiba sa lahat. Maging si Ginny Ocampo na isang business head unit ay napahanga rin ni Ningning kung saan inamin nito na taglay ni Ningning ang complete package bilang isang artista.

Talaga nga namang may talento sa pag-arte si Ningning at agad nakukuha ang atensyon ng mga manonood sa kanyang cute na mukha, bukod rito ay isa ring napakabibong bata si Ningning na naghahatid ng ngiti sa mga manonood.




Noong 2015, pinatunayan nga ni Ningning ang kanyang husay nang magkamit siya ng parangal na “Best Female TV Personality” sa 29th Star Awards for Television. At siya nga ang nagwagi laban sa iba pang mga nominadong artista gaya nina Maris Racal, Loisa Andalio, Stephanie Yamut, MJ Lastimosa at Maine Mendoza.

At matapos nga ang ilang taon, na tila kahapon lamang, ang cute na bata na ating kinagiliwan ay isa nang napakaganda at ganap na dalaga ngayon. Patuloy rin niyang tinutupad ang mga pangarap niya sa buhay, dahil ngayon ay isa na siyang responsableng dalaga na minimithing magkaroon ng maayos at magandang buhay.




Tunay nga na ang talentong taglay ni Ningning ay hindi pangkaraniwan, kaya naman hindi nakapagtataka na sa pagdating na panahon, isa siya sa hahangaan at titingalaing artista na may pinakamagandang mukha at may taglay na husay at galing sa pag-arte sa industriya.

error: Content is protected !!