Bukod pala sa pagiging magkalove team nila Kathryn at Daniel sa pelikula at sa totoong buhay ay magkasosyo din pala ang dalawa sa negosyo. Nitong nakaraang sabado, Oktubre 26 3 ng hapon, lang nga ay binuksan na nila sa publiko ang kanilang Barbershop na pinangalanan nilang Barbero Blues na matatagpuan sa ika limang palapag ng The Block ng SM North EDSA, Quezon City.
Makikitang si Kathryn at Daniel ang nanguna sa pagribbon-cutting sa pagbubukas ng kanilang negosyo at sila din ang isa sa mga punong abala sa pagwelcome sa kanilang mga bisita.
Ayon sa panayam nila Kathryn at Daniel ky MJ Felipe, ibinahagi nilang dalawa na si Daniel ang naging punong abala sa pag-aasikaso ng mga kailangan sa kanilang barbershop. Ito din ang nag-isip ng pangalan at logo pati narin ang pagpili ng tamang barbero para sa kanilang negosyo. Naitanung din naman ni MJ si Daniel kung bakit ito ang naisip niyang gawing negosyo at ayon nga dito.
“Kasi si Kathyrn may KathNails na which kinicater mostly is women. Ako naman dahil naisip namin ni Kathryn na isa ako sa mga lalake na maselan sa pagpapagupit kailan man na kapag nagupitan ng mali naluluha ka sa barbero, alam mo ‘yon.”
Dagdag din ni Kathryn sa tanung kay Daniel na ang mama niya talaga ang pinaka may idea nung barbershop.
Ayon sa kanya,
“Kasi nga like what he said parang nacater na namin ang mga girls with the nail salon. Sakto na habang nagpapanails ang asawa mo nandito naman ang mga guys.”
Matatandaan din na noong nakaraang buwan ay naglabas na ng pahayag si Kathryn sa PEP patungkol sa plano nilang negosyo ni Daniel. Sabi niya dito na,
“Ito ang first-ever business namin ni DJ together! Pinuntahan na namin siya kahapon. Kailangan namin kayo roon, napaka-special nito para sa amin.”
Bukod sa balita tungkol sa negosyo ng KathNiel ay may isa pang magandang balita ang dalawa sa kanilang mga fans. Ayon kasi sa balitang lumabas ay magkakaroon ulit ng tv project ang dalawa sa susunod na taon. Sa ngayon kasi ay abala pa ang dalawa sa kaniya kaniyang mga proyekto tulad nalang ng palabas ni Kathryn kasama si Alden na Hello, Love, Goodbye at si Daniel naman ay sa kanyang mga palabas sa ibat ibang bansa.
Matatandaan kasi na ang huling proyekto ng dalawa ay noong nakaraang taon pa at ito ay ang The Hows of Us na pumatok talaga sa takilya. Madami din ang kinilig at pinaiyak ng pelikula nila na ito at madami din ang nakarelate kaya hindi na nakapagtatakang mataas ang rating nito.
Narito at ating silipin ang mga larawan sa pagbubukas ng barbershop nila Kathryn at Daniel.