Entertainment
Kathryn Bernardo, Sinagot Ang Mga Basher Na Nilalait Ang Pagiging Sakang Niya

Walang sinuman dito sa mundong ating ginagalawan ang may perpektong pagkatao dahil lahat tayo ay may kanya-kanyang insecurities sa ating pisikal na kaanyuan. Ngunit, ang nararamdaman nating ito ay maaaring paglabanan at tanggapin ng bukal sa ating kalooban, anu’t anuman ang mga imperfections o hindi natin nais sa ating katawan. Maging ang mga sikat na artista sa mundo ng showbiz ay hindi natin aakalain na may mga insecurities rin.
Kagaya na lamang ng box-office star na si Kathryn Bernardo na palaging nababatikos ng mga netizens dahil sa kanyang pagiging sakang. Ang pagiging sakang ni Kathryn ay malaking parte ng kanyang pagkatao kung saan may mga tao na madalas siyang nilalait sa kanyang imperfections na ito.
“Ang pangit ni Kathryn Bernardo! Sakang na! Pangit pa!”,
madalas ibato ng mga bashers kay Kathryn.
Bagama’t taglay na ni Kathryn ang magandang mukha, may nakakapansin pa rin sa kanyang pagiging sakang at ito nga ang madalas ibinabatong panlalait sa aktres. Ngunit, tila nakasanayan na ni Kathryn ang ginagawang ito sa kanya ng mga netizens.
“Oh, boom! Ito yung hinihintay ko.”,
pahayag naman ni Kathryn.
Ayon pa kay Kathryn, ang pagiging sakang niya ay isang bagay na kinai-insecure-an umano niya dati. Isa rin ito sa dahilan kung bakit hindi na niya hinahayaang magkomento pa ang mga netizens sa kanyang Instagram account dahil nasasaktan rin siya sa mga panlalait na ginagawa ng mga ito. Ngunit, sa pagdaan umano ng panahon ay natutunan na rin niyang tanggapin ang kanyang imperfections.
“Kasi grabe yung negative energy. Ang daming time talaga ng bashers. Alam niyo, over the years natutunan ko tanggapin ang legs ko. Yes it’s not straight. It’s kinda ganyan, ‘parang parenthesis’, yun ang sinasabi nila. E, wala e. Parte siya ng pagkatao ko,”
paliwanag ni Kathryn.
At noong Mayo 16 nga ay nagtrending ang hashtag na “#sakangsiKathryn“, dahil mas lalong dumami ang mga netizens na bumabatikos sa kanya. Ngunit, mas lalo namang nadagdagan ang pambabatikos sa kanya ng ipahayag niya ang kanyang suporta sa ABS-CBN, ang network na kinabibilangan niya na huwag itong ipasara.
At nagsilabasan nga ang mga basher ni Kathryn na pati ang kanyang pagiging sakang ay nadamay sa isyu at ginawa pa itong hashtag upang magtrending. Malaki ang galit ng mga basher sa sinumang magpakita ng suporta sa ABS-CBN dahil sa tingin ng mga ito ay paninira ito sa gobyerno.
Ngunit, kinabukasan, Mayo 17, sinagot ni Kathryn ang kanyang mga basher sa pamamagitan ng isang post na tila natatawa na lamang sa mga ito dahil maraming oras ang inilalaan sa kanya at mga walang magawa sa buhay. Sa naturang larawan ay kasama niya ang alagang aso na si “Tala”, at nilakipan naman ng caption na:
“Tala and I reacting to my bashers! Lol!”
Hindi naman nagtagal, ang pagiging sakang nga ni Kathryn ay natanggap na niya at ang dahilan umano upang tanggapin ang kanyang impecfections ay ang kanyang boyfriend na si Daniel Padilla. Kay DJ niya raw natutunan na tanggapin ng bukal sa kalooban ang parte ng katauhan niyang ito.
“Before, sobrang insecurity ko ito.Pero alam niyo kung sino nagpa-realize sa akin na huwag magpa-insecure? Si DJ. Through DJ na-overcome ko insecurity ko about my legs”,
pahayag ni Kathryn.
Hindi na raw niya pinapansin kung anuman ang hitsura niya kapag nakatayo at binabalewala na lamang niya ang mga taong nakakapansin nito.
“Na-realize ko lahat tayo merong imperfections. Siguro nagkataon ibinigay sa akin ni God yung legs ko. And ano gagawin ko? E, di nagwo-workout ako para ma-excercise siya. And tatanggapin ko, kasi hello?! Hindi naman ako makukulong sa pagkasakang ko!”
saad pa ni Kathryn.
Nag-iwan naman ng mensahe si Kathryn sa mga bashers niya na tinatawag niyang sakang.
“I love my legs! Si DJ love din legs ko! Ngayon tanggap ko siya 100 percent!”
proud na sabi pa ni Kathryn.
“Come on! You kiss my f*cking legs! Hahaha!”
Tinapik naman ni Kathryn ang kanyang legs at kinausap nang tila maiintindihan siya at sinabi na sana ay huwag magalit ang kanyang legs sa pagiging insecure niya rito noon.
