Connect with us

Entertainment

Kathryn Bernardo, Ipinasilip Ang Kanyang Studio Na Napaka-homey Ang Dating Dahilan Nga Para Maging Paboritong Tambayan Na Nila Ngayon

Matatandaan na nakatanggap ng isang bonggang regalo mula sa kanyang inang si Mhin Bernardo ang aktres na si Kathryn Bernardo para sa kanyang kaarawan. At ito nga ay isang studio, na matagal na ring pangarap ni Kathryn. Ang studio ay gagamitin ni Kath sa commercials, pictorials, meetings, at vlog shoots.

CREDITS: Kathryn Bernardo | YT

Magmula nang iregalo ng kanyang Mommy Mhin ang studio sa kanya ay hindi pa ito nasisilayan ng kanyang mga tagahanga. Kaya naman, sa kanyang latest vlog, ay masayang ipinasilip ni Kath ang kanyang bagong studio na napakaganda at napaka-homey ang dating. Dahil nga sa talagang nakakarelaks at napakaganda ng studio ng aktres, ay naging paborito na rin nila itong tambayan.

CREDITS: Kathryn Bernardo | YT

Sa entrance ay agad na sasalubong ang gazebo, na napakaganda ng set up. Pagbabahagi ni Kath, ay dito sila madalas tumambay pagkatapos ng shoot. Kwento pa ng aktres, ay dito rin siya nagwowork out minsan dahil maaliwalas rin ang simoy ng hangin dito na hatid ng mga nakatanim na halaman. Ayon pa kay Kath, ang kanyang Mommy Mhin ang nakaisip ng ideya na maglagay ng mini garden sa gazebo na agad naman niyang sinang-ayunan.

CREDITS: Kathryn Bernardo | YT

Pagpasok naman sa loob mismo ng studio ay sasalubong ang reception area, kung saan naman makikita ang neon color na “TGIS” sign. Ayon naman kay Kath, ay pansamantala lamang ang TGIS na pangalan ng studio, dahil nag-iisip pa sila sa ipapangalan sa kanyang studio.

CREDITS: Kathryn Bernardo | YT

Ipinakita rin ni Kath ang conference room kung saan madalas gawin mga meeting o kaya naman ay pag-usapan ang mga kailangan sa shoot.

“Dito yung working area ng mga tao. Naka-separate siya from the studio just so we can give privacy sa mga nagsh-shoot.”

Masaya naman ang aktres, na ang disenyo ng studio na black and white ay napakagandang pagmasdan. Mapapansin rin na high ceiling ang studio at ginagamit nila ang naglalaking glass door at windows pala maganda ang pasok ng natural light na nagmumula sa labas na siyang kailangan nito tuwing may photoshoot para sa magandang kuha ng larawan.

CREDITS: Kathryn Bernardo | YT

“I really like the [French doors], so nakaka-add siya ng accent since yung color palette ng studio is black and white.”

Sa 2nd floor naman ng studio ay matatagpuan ang makeup at wardrobe area. Makikita dito ang dalawang makeup chair sa harap ng malaking salamin, at kapag nakaupo na nga ay talaga namang napakakomportable. Ang changing room naman ang paboritong spot ni Kath sa studio dahil sa ganda ng disenyo nito. Maaari ring magpahinga at magrelaks ang glam team sa nakahandang sofa na nasa makeup area.

CREDITS: Kathryn Bernardo | YT

Tiniyak naman ni Kath na maging homey ang dating ng studio para bukod sa komportable ay nakakarelaks talaga. Ang “homey feel” studio ng aktres, ay mas lalong pinaganda ng mga halaman na nagsilbi ring disenyo. Pagbubunyag nga ni Kath, ang studio ay naging paborito na nilang tambayan. At kung may mga family gatherings naman, ay dito na rin nila ginagawa.

error: Content is protected !!