Connect with us

Entertainment

Kathryn Bernardo, Ipinasilip Ang Kanyang Naggagandahang Koleksyon Ng Designer Bags

Si Kathryn Bernardo ay isa nga sa pinakasikat na aktres ng kanyang henerasyon. Sa dami nga ng kanyang mga tagahanga, at mga proyektong nagawa mula pa noon bilang isang child star, ay isa nga siya sa may pinakamatagumpay na karera sa insdustriya ng showbiz.

CREDITS: Kathryn Bernardo| IG

Si Kath ay unang nakilala sa industriya ng showbiz sa kanyang pagganap bilang Cielo sa teleseryeng “It Might Be You” noong 2003. Dahil nga sa ipinakitang husay sa pag-arte, at dedikasyon sa kanyang pag-aartista ay nabigyan siya ng pagkakataong bumida sa teleserye ng ABS-CBN na Super Inggo. At dito na nga nagsimulang makilala ang isang Kathryn Bernardo, at maging daan na nga ito para mabigyan pa ng maraming proyekto upang patunayan ang kanyang sariling kakayahan.

CREDITS: Kathryn Bernardo| IG

Hindi naman nga maipagkakaila ang angking husay sa pag-arte ni Kath. Dahil nga sa dami ng kanyang pelikula, na talagang nanguna sa takilya ay binansagan siyang Box Office Queen ng kanyang henerasyo. At ilang nga sa mga pelikulang kanyang ginawa na pinagkaguluhan ng mga manonood ay “The Hows of Us” at “Hello Love, Goodbye” na kumita ng mahigit P800 Million.

CREDITS: Kathryn Bernardo| IG

Hindi na rin nakapagtataka na sa tagumpay na tinatamasa ngayon ni Kath sa kanyang karera sa showbiz, ay marami na siyang naipundar na mga ariarian at negosyo.

CREDITS:  Kathryn Bernardo | YT

Bukod nga sa sasakyan, bahay, at negosyo ay mga mga koleksyon rin siya ng mga mamahaling bags. At kamakailan lamang nga, ay tinupad ni Kath ang kahilingan ng kanyang mga fans na masilip ang kanyang mga paboritong bag.

CREDITS:  Kathryn Bernardo | YT

Sa latest vlog na mapapanood sa kanyang Youtube channel, ay ipinakita ni Kath ang kanyang designer bags collection na talaga namang may sentimental value sa aktres. Sa nasabing vlog rin, ay inamin ni Kath na mahilig talaga siyang mangolekta ng mga bag, kumpara sa sapatos.

CREDITS:  Kathryn Bernardo | YT

Unang ipinakita ni Kath ang kanyang kauna-unahang bag na kanyang nabili. Ito nga ay ang kulay pulang Louis Vuitton Speedy. Pagbabahagi naman ng aktres, kapag bibili daw ng designer bag ay mas mainam kung kulay itim o kaya naman ay puti ang bibilhin dahil madali itong bagayan ng mga damit na isusuot.

CREDITS:  Kathryn Bernardo | YT

Espesyal naman para kay Kath ang kanyang mga bag na Louis Vuitton Palm Springs at Petit Malle. Ito nga ay dahil regalo ito ng kanyang nobyong si Daniel Padilla noong kaarawan niya. Nagustuhan naman ni Kath ang disenyo ng mga bag dahil napakaganda at classy ang dating nito.

CREDITS:  Kathryn Bernardo | YT

Pagbabahagi naman ni Kath, ay hindi talaga siya mahilig sa mga malalaking bag ngunit ang kanyang Christian Dior Book tote bag. Ayon kay Kath ay maganda ang disenyo nito ay komportable pang gamitin sa tuwing bumabiyahe siya.

CREDITS:  Kathryn Bernardo | YT

Masaya ring ipinakita ni Kath ang bag na pinakapaborito niyang gamitin, ang Chanel na nabili niya sa Paris noong 18th birthday niya. Hindi naman nakalimutang ipakita ni Kath ang bag na regalo sa kanya ng ina ni Daniel na si Karla Estrada noong Christmas, ang Chanel Boy Rainbow.

error: Content is protected !!